Ang profile badges ay ginagamit para i-highlight ang profile mo. Naka-base ito sa profile information na makatutulong para mag-stand out ka sa potential matches, gaya ng iyong location o account age. Makikita sa baba ang requirements sa bawat badge.
- Nearby: Ang user ay nasa loob ng 6 mile (10 km) radius mo.
- Just joined / New here: Ang user ay sumali sa loob ng huling 7 araw. Ang badge na ito'y automatic na matatanggal matapos ang 7 araw.
Tandaan na hindi mo pwedeng i-disable ang profile badges.
Sa ngayon, limitado lamang ang availability ng badges feature sa piling test markets. Hindi lahat ng nasa Tinder ay may access dito. Kung may access ka na sa badges at qualified ka sa isang badge, makikita ito sa Tinder profile mo.