Ang Photo Insights ay maikling paglalarawan ng iyong interests, personality, o lifestyle na binuo sa pamamagitan ng pag-analyze ng patterns sa photo library mo. Ang feature na ito ay available sa iOS users sa piling markets.
Pag-access sa Photo Insights
Maaari mong makita ang Photo Insights sa pamamagitan ng pagsunod sa instructions sa ibaba:
- Buksan ang Tinder
- I-tap ang profile icon
- I-tap ang Chemistry icon
Paggamit ng Photo Insights
Kapag nag-opt in ka sa Photo Insights, pinag-aaralan namin ang camera photos mo para matukoy ang key themes na makakatulong sa Tinder para ma-personalize ang experience mo at mai-connect ka sa iba. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng ilang hakbang:
- Pag-scan: Kapag nagbigay ka ng pahintulot, ang scan ng camera roll mo ay magaganap nang direkta sa device mo para pag-aralan ang photo quality at content.
- Pagbuo ng Insights: Piling photos ang pansamantalang naka-upload sa aming server para i-generate ang Photo Insights mo gamit ang AI technology. Ang Photo Insights ay base sa themes at objects na makikita sa photos mo.
- Photo Insights Selection: Magpapadala kami ng notification kapag handa na ang Photo Insights mo, at makakapili ka kung alin sa Photo Insights ang gusto mong panatilihin.
- Personalized Photo Suggestions: Ginagamit namin ang Photo Insights na pinapanatili mo para makapag-suggest ng photos na maaari mong idagdag sa profile mo, ito man ay bilang individual photos o collages na nagpapakita ng personality mo. Ang suggestions na ito ay base sa kung anong klase ng photos ang alam naming magkakaroon ng magandang resulta, at personalized kasama ang lifestyle, interests, at personality themes mula sa Photo Insights mo. Mayroon ka ring option para mag-selfie o gumamit ng profile photo para makapag-generate ng biometric data para matukoy ang photos mo sa iyong library.
- Photo Suggestions Selection: Makakapili ka kung anong photos ang gusto mong i-upload sa profile mo. Hindi kami magdadagdag ng photos sa profile mo nang walang pahintulot galing sa'yo.
Kapag na-review at nakumpirma mo na ang Photo Insights mo, pinapalakas nito ang features gaya ng photo suggestions. Sa pag-unawa sa "insights" behind your photos, ang photo suggestions ay nagre-recommend ng specific photos mula sa camera roll mo na makakapagpakita kung sino ka, at pinapadali nito ang pag-update ng profile mo gamit ang photos na mas magpapaganda ng presence mo sa app. Ginagamit din namin ang Photo Insights para maipakita kung sino ka sa potential matches, at para maipaliwanag kung bakit ang ibang recommendations ay mas relevant para sa'yo.
Paano ginagamit ng Photo Insights ang data mo
Photo Insights
Kapag nag-opt in ka sa feature na ito, magsasagawa kami ng on-device scan sa camera roll mo para matukoy ang photos na tingin namin ay makakapagpakita ng relevant insights tungkol sa'yo, base sa photo quality, content, and similarity. Ang identified photos ay pansamantalang naka-upload sa servers ng Tinder ay nakabahagi rin ito sa aming AI technology provider para lamang gumawa ng Photo Insights. Ang photos mo ay buburahin pagkatapos, maliban na lamang kung piliin mong idagdag ito sa profile mo, halimbawa, bilang parte ng photo suggestions feature.
Ang Photo Insights na mapipili mo ay idadagdag sa Insights Hub at ginagamit ito para matulungan ang Tinder na i-personalize ang experience mo sa pamamagitan ng photo suggestions at similar features, at para ma-connect ka ng mas maayos sa iba. Ang Photo Insights na hindi mo itatago ay buburahin sa loob ng 90 araw at maaaring i-analyze para matulungan kaming mas pagandahin ang Photo Insights feature.
Photo Suggestions & Collages
Kapag nag-opt in ka sa camera roll scanning, nagsasagawa kami ng on-device scan para maunawaan kung anong klase ng photos ang mayroon ka, gaya ng close-ups, full-body shots, group photos, o themes gaya ng travel o pets. Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng paggamit ng automated technology na nagsusuri ng visual patterns sa photos mo. Base sa patterns na ito, ang iyong Photo Insights, at mga kaalaman namin kung anong nagkakaroon ng magandang resulta sa Tinder, nagsu-suggest kami ng ilang photos na maaari mong idagdag sa profile mo. Ang layunin namin ay matulungan kang makapili ng malinaw at magkakaibang photos na nagpapakita ng iba't ibang bagay tungkol sa'yo. Ang photos mo ay hindi idadagdag sa profile mo maliban na lamang kung gusto mo - you stay in control.
Paano ginagamit ang biometric data sa Photo Suggestions?
Kung gusto mong mag-suggest kami ng photos that feature you, maaari kang mag-generate ng biometric data para makahanap ng photos mo sa iyong device. Gawin mo ito sa pamamagitan ng pag-selfie o gamit ang existing solo profile photo mo, kung mayroon ka. Ang data mo ay pinoproseso gaya ng sumusunod:
- Pag-suggest ng profile photo: Magsu-suggest kami ng eligible profile photo para magamit mo, kung mayroon ka. Ang Tinder ay gumagamit ng privacy-preserving tool para ma-detect kung alin sa profile photos mo ang may outline ng mukha, nang hindi bumubuo ng kahit anong biometric data o nangongolekta ng mga detalye tungkol sa features ng mukha mo. Ang prosesong ito ay nangyayari lamang sa iyong device.
- Pagbuo at paggamit ng biometric data: Ang biometric data ay binubuo gamit ang iyong profile photo o ang selfie mo, at ikukumpara ito pagkatapos sa photos sa iyong camera roll. Ang Tinder ay hindi nangongolekta, nagtatago, kumukuha ng access o tumatanggap ng anumang biometric data na nabuo mula sa iyong selfie, profile photo, o photos sa camera roll mo. Sa halip, ang lahat ng ito'y nangyayari lamang sa device o, at ang lahat ng biometric data na ginamit bilang parte ng feature na ito ay binubura mula sa device mo pagkatapos mong umalis sa feature. Binubura rin ang selfie mo.
- Pag-scan ng photos mo: Ang proseso ng pag-suggest ng ilang photos ay nangyayari sa device mo. Ang iniingatan lamang ng Tinder ay ang photos na pinili mong i-upload sa profile mo.
Ang hakbang na ito ay optional lamang, at hindi mo kailangang mag-selfie. Kung nagdesisyon kang hindi gamitin ang eligible profile photo o mag-selfie, kailangan pa rin naming i-scan ang camera roll mo para makagawa ng Photo Insights, ngunit maaaring hindi ka maisama photo suggestions at collages.
Mga limitasyon ng Photo Insights
Ang teknolohiyang ginamit para mabuo ang Photo Insights, suggestions, at collages ay ginawa upang makatulong at ibukod ang photos o insights na maaaring lumabag sa aming Terms of Use o Community Guidelines, ngunit ang teknolohiyang ito ay hindi 100% accurate. Paminsan-minsan ay maaari itong mag-suggest ng photos na hindi ayon sa personal preference mo o maaari itong magbigay ng maling interpretasyon sa lifestyle theme mo. Tandaan, habang ang tool na ito ay makakatulong sa'yo, ikaw ang responsable sa photos na pinili mong i-upload; siguraduhing ayon ito sa aming Terms of Use, Community Guidelines, at lokal na batas.
Tandaan din:
- Eligibility: Kung wala kang sapat na photos, ang Photo Insights at photo suggestions ay maaaring hindi maging available. Titignan namin ang camera roll mo paminsan-minsan para sa bagong photos upang matukoy kung mayroon ka ng sapat na photos para maging eligible.
- Scanning Continuity: Kung maputol, ipagpapatuloy ang pag-scan sa susunod na pagbukas ng app hanggang sa makumpleto ito.
-
Rescanning: Kung piliin mong i-rescan ang iyong camera roll, ang lumang Photo Insights mo ay mapapalitan ng bagong insights mula sa latest scan.
Mga sensitibong paksa
Sa ilang pagkakataon, maaaring iugnay ng Photo Insights ang mga temang may koneksyon sa kultura, relihiyon, pulitika, lifestyle, o iba pang potensyal na sensitibong paksa base sa patterns na makikita mula sa photos mo. Ang insights na ito ay automatic na binubuo at maaaring hindi makuha ang eksaktong identity o personal views mo. Mayroon kang pagkakataon para suriin at piliin kung alin sa Photo Insights ang gusto mong panatilihin bago magamit ang mga ito, at maaari mo ring burahin ang mga ito anumang oras sa Insights Hub.
Pag-opt out o pagbubura ng data
Ikaw ang may kontrol sa photos at Photo Insights mo. Maaari ka ring mag-opt out sa buong pag-scan ng camera roll.
- Insights Hub: Kapag pinili mo ang Photo Insights, maaari mong i-manage at burahin ang Photo Insights mo anumang oras sa Insights Hub.
- Suggested Photos & Collages: Ang suggested photos at collages lamang na pinili mo ang idadagdag sa profile mo. Maaari mo itong tanggalin anumang oras sa Edit Profile settings mo.
- Camera Roll Permissions: Maaari mong i-adjust o tanggalin ang camera roll access anumang oras sa pamamagitan ng system settings ng device mo.
Pumunta sa aming Privacy Policy para sa ibang detalye ng aming privacy practices, kasama ang Your Rights. Maaari mo ring malaman kung paano mag-request ng kopya ng iyong data.