Ano ang Photo Selector?
Ang Photo Selector ay isang on-device tool na makatutulong para tukuyin kung aling photos sa camera roll mo ang maaaring maging profile photos.
Paano gumagana ang Photo Selector?
Una, kailangan mong magkaroon ng biometric data na ginagamit para makahanap ng photos mo sa device mo. Magkakaroon ka ng dalawang choices—maaari kang gumamit ng profile photo na may mukha mo, o pwede ring mag-selfie ka na lang.
Ikalawa, pinipili ng feature ang photos mula sa camera roll mo na maaaring maging profile photos. Ang selection na ito'y nakabase sa mga katangian ng isang good profile photo gaya ng lighting, composition, at iba pa. Nagagawa ring i-filter ng feature na ito ang group photos, or photos that appear to violate our Terms of Use and Community Guidelines.
Pagkatapos nito, pipili ka sa mga ipakikitang photos kung alin ang gusto mong i-upload sa profile mo. Tandaan, kahit ginawa ang tool na ito para tulungan ka, responsable ka pa rin sa mga pinipili mong i-upload, kabilang na ang photos na pinili mong i-upload ay sumusunod sa aming Terms of Use at Community Guidelines, at consistent sa anumang lokal na batas na angkop sa paggamit mo ng Photo Selector tool.
Tandaan din na kailangan mong magbigay ng full o partial access sa photo library mo at access sa camera mo para maisagawa ang unang step. Maaari mong i-adjust ang Settings mo anumang oras para ma-adjust ang level ng access, o alisin ito lahat kapag tapos ka na.
Paano ginagamit ng Photo Selector ang aking data?
Here’s the best part. Ang Photo Selector feature ay gumagana lamang sa device mo, at ikaw pa rin ang may kontrol sa lahat ng oras. Tignan sa ibaba ang mga detalye tungkol sa kung paano ginagamit ang data mo sa bawat step ng proseso:
- Pagsa-suggest ng profile photo: Hindi gumagamit ng biometric data ang Photo Selector sa pag-suggest ng profile photo na gagamitin mo para sa feature na ito. Sa halip, gumagamit ang Tinder ng privacy-preserving tool para ma-detect kung alin sa profile photos mo ang may outline ng mukha, nang hindi bumubuo ng kahit anong biometric data o nangongolekta ng mga detalye tungkol sa features ng mukha mo. Ang prosesong ito ay nangyayari lamang sa device mo, at hindi nakatatanggap ang Tinder ng kahit anong impormasyon kung aling profile photos ang may na-detect na mukha sa kanila.
- Pagbubuo at paggamit sa biometrics mo: Ang biometrics ay binubuo mula sa profile photo mo o sa iyong video selfie, at ikinukumpara sa photos sa camera roll mo. Ang Tinder ay hindi nangongolekta, nagtatago, nag-access o tumatanggap ng kahit anong biometrics na binuo mula sa iyong selfie video, profile photo, o photos sa camera roll mo. Sa halip, ang lahat ay nangyayari lamang sa device mo, at lahat ng biometric data na ginamit bilang parte ng feature na ito ay binubura mula sa device mo sa oras na mag-exit ka sa feature.
- Pag-scan sa photos mo: Ang Tinder ay hindi nangongolekta o nag-access sa anumang photos mula sa camera roll mo, at ang proseso ng pag-scan at pag-suggest ng piling photos ay nangyayari lamang sa device mo. Kinokolekta lamang ng Tinder ang photos na pinili mong i-upload sa profile mo.
Bakit hindi ko makita ang aking photos kasama ang mga kaibigan ko sa recommendations?
Photo Selector is designed na ihiwalay ang group photos. Nais naming gamitin mo ang feature na ito para hanapin lamang ang photos mo.
Paano kung hindi ko gusto ang photos na ipinapakita sa'kin?
Kung nakapagbigay ang Photo Selector ng photos na sa tingin mo'y hindi maganda, ibahagi sa amin ang iyong feedback sa pamamagitan ng aming contact form. Ang iyong feedback ay mahalaga para matulungan kaming ma-improve ang feature na ito.
Saan available ang Photo Selector?
Kasalukuyan naming sinusubukan ang feature na ito sa Android at iOS sa piling markets. Umaasa kaming maisagawa ito sa mas marami pang markets at platforms in the future.