Gusto mo ba ng break sa paggamit ng Tinder? I-disable ang Discovery para ma-hide ang profile mo nang hindi binubura ang iyong account.
Kapag naka-off ang Discovery, hindi ipakikita sa mga bagong tao sa Tinder ang profile mo at hindi ka maaaring mag-Like ng mga bagong tao. Ngunit ang mga taong ni-Like mo na ay maaari ka pa ring makita at makipag-match sa'yo. Maaari mo pa ring makita at i-chat ang existing matches mo.
Para i-disable ang Discovery
- Mag-sign in sa Tinder app o Tinder.com
- I-tap ang profile icon
- Pumunta sa Settings
- Mag-scroll papunta sa Enable Discovery
- I-off ang toggle
Para i-enable ang Discovery
Sundin ang parehong steps ngunit i-on ang toggle.