Ang AI-powered matching ay ginawa para tulungan kang makahanap ng personalized connections base sa unique preferences at interests mo. Gamit ang impormasyon mula sa Tinder profile mo, mga sagot sa mga tanong, at, opsyonal, maging ang insights mula sa camera roll photos mo, ang AI-powered matching ay nagbubuo ng recommendations na para lamang sa'yo!
Tandaan: Kasalukuyang inilalabas ang feature na ito sa mga piling market at maaaring hindi pa available sa lugar mo.
Simulan ang paggamit ng AI-powered matching
Simulan ang paggamit ng AI-powered matching para makakuha ng personalized na Daily Drop recommendations sa pamamagitan ng pagsunod sa steps na ito:
Para simulan ang paggamit ng AI-powered matching at makita ang Daily Drops mo, sundin ang steps na ito:
- I-tap ang Diamond icon sa upper right corner ng Discovery screen mo
- Sagutin ang mga tanong para i-curate ang drops mo (kailangan mo lang sagutin ang mga ito nang isang beses)
- Sumang-ayon sa pagbabahagi ng Photo Access (ito'y opsyonal lamang, ngunit ang pagbibigay ng full access sa camera roll ay makatutulong sa pagtukoy ng relevant interests)
- I-tap ang button para maipakita ang Daily Drop mo
Maaari mong tignan ang Daily Drops mo anumang oras sa pamamagitan ng pag-tap sa icon ng Diamond.
Itigil ang paggamit ng AI-powered matching
Ang paggamit ng aming AI-powered matching feature ay optional lamang! Maaari mong gamitin ang Tinder kung mayroon o wala man nito.
Kung sinubukan mo ang feature na ito at nag-decide kang kailangan mo ng break mula rito, walang problema. Huwag lamang i-tap ang diamond icon sa top right corner ng Discovery screen mo. Lalabas pa rin ang icon, ngunit ang paggamit nito ay depende sa'yo.
Pag-manage ng AI-powered matching insights
I-review at i-manage kung anong nakakaimpluwensya sa Daily Drops mo sa aming Insights Hub. Doon mo makikita o maiaalis ang insights na ginamit para i-personalize ang experience mo.
Para ma-access ang insights mo, sundin ang steps sa ibaba:
- I-tap ang Diamond icon sa upper right corner ng Discovery screen mo
- I-tap ang Explore My insights
- Tignan ang lahat ng generated insights mula sa mga tanong na sinagutan mo
- Para tanggalin ang anumang insights mo, i-tap ang Insight na gusto mong tanggalin, pagkatapos ay i-tap ang Delete
Kung pinili mong i-allow ang camera roll tagging, magagamit din ang data na ito para maimpluwensyahan ang insights mo. Maaari mong malaman ang iba pang detalye tungkol sa pag-manage ng camera roll tags dito.
Paano namin ginagamit ang data para sa AI-powered matching
Ang AI-powered matching ay bumubuo ng insights tungkol sa'yo at sa hinahanap mo, na maaari mong i-access at kontrolin anumang oras, tulad ng nabanggit sa Section sa itaas. Ang insights na ito ay nabuo ayon sa impormasyon at activity ng Tinder profile mo, kung paano mo sinagutan ang mga katanungan, at—kung naka-opt in ka—ang camera roll photo tags mo. Ginagamit ang insights na ito para bumuo ng mas personalized recommendations para sa'yo.
Puntahan ang aming Privacy Policy para malaman ang iba pang detalye kung paano namin ginagamit ang data. Maaari mo ring puntahan ang aming Help Center para matuto kung paano mag-request ng copy ng data mo.
Iba pang tulong
Kung kailangan mo ng karagdagang tulong sa paggamit ng aming AI-powered matching feature, sumulat sa amin kasama ang kinakailangang detalye at tutulungan ka namin.