Ang Photo Insights ay maikling paglalarawan ng iyong mga interest, personalidad, o uri ng pamumuhay na binuo sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga tema sa photo library mo. Magagamit ang feature na ito sa mga piling lokasyon.
Sa ilang lugar, maaari mong piliin na payagan kaming i-scan ang camera roll mo para sa Photo Insights kapag nag-sign up ka sa Tinder para matulungan kang mas mabilis na i-set up ang profile mo. Ginagamit namin ang natututunan namin mula sa photos mo para magmungkahi ng mga photo, mga interest, at mga prompt na baka gusto mong idagdag. Ikaw ang mananatiling may kontrol — walang idadagdag sa profile mo maliban kung piliin mo itong idagdag.
Pag-access sa Photo Insights
Para makita ang Photo Insights mo:
- Buksan ang Tinder
- I-tap ang profile tab
- I-tap ang Chemistry icon sa itaas na sulok ng profile mo
Paalala: Magagamit ang Photo Insights sa mga piling lokasyon.
Paggamit ng Photo Insights
Kapag nag-opt-in ka sa Photo Insights, binubusisi namin ang mga photo mo sa camera para matukoy ang mga pangunahing tema na makakatulong sa Tinder para gawing personal ang karanasan mo at mas ma-i-connect ka sa iba. Kabilang dito ang:
- Pag-scan: Kapag nagbigay ka ng pahintulot, ang scan ng camera roll mo ay magaganap nang direkta sa device mo para pag-aralan ang photo quality at content.
- Pagbuo ng Insights: Pansamantalang ina-upload ang mga piling photo sa server namin para bumuo ng photo suggestions at Photo Insights mo gamit ang teknolohiya ng AI, batay sa mga tema at mga bagay na natukoy sa photos mo. Pagkatapos ay buburahin ang mga photo na ito maliban kung idagdag mo ang alinman sa mga ito sa profile mo.
- Mga Personal na Photo Suggestion: Magrerekomenda kami ng mga photo na baka gusto mong idagdag sa profile mo, halimbawa ay bilang mga indibidwal na photo o collage na itinatampok ang personalidad mo. Ang mga suggestion na ito ay base sa kung anong alam namin tungkol sa mga uri ng photo na karaniwang epektibo, na ginawang personal ayon sa antas ng pamumuhay, mga interest, at tema ng personalidad mula sa Photo Insights mo. Para makakuha ng photo suggestions na kasama ka, maaari mong makita ang opsyon upang matukoy ang photo ng sarili mo mula sa iyong camera roll, kumuha ng selfie o gumamit ng profile photo para makabuo ng biometric data para tukuyin ang mga photo mo sa iyong library. Ikaw ang pipili kung aling mga photo ang gusto mong i-upload sa profile mo. Hindi kami magdadagdag ng mga photo sa profile mo nang wala ang iyong pahintulot.
- Personal na Pag-Set Up ng Profile: Kung saan magagamit ang feature na ito habang sine-set up ang profile, gagamitin din namin ang Photo Insights mo para magmungkahi ng mga interest na idaragdag sa profile mo, pati na rin ang mga posibleng paksa para sa “About Me” mo at mga prompt na puwede mong gamitin para sa pagbuo ng profile mo. Ikaw ang pipili kung anong mga interest at content ang idadagdag sa profile mo.
Paano ginagamit ng Photo Insights ang data mo
Photo Insights
Kung piliin mong gamitin ang feature na ito, magsasagawa kami ng on-device scan sa camera roll mo para matukoy ang mga photo na tingin namin ay maaaring makabuo ng mga makabuluhang insight tungkol sa iyo, base sa kalidad ng photo, content, at pagkakapareha. Ang mga tukoy na photo ay pansamantalang naka-upload sa mga server ng Tinder at nakabahagi sa aming tagapaghatid ng teknolohiyang AI na tanging layunin ay lumikha ng Photo Insights. Pagkatapos ay buburahin ang mga photo mo maliban kung pipiliin mong idagdag ang mga ito sa iyong profile.
Makikita ang iyong Photo Insights sa Insights Hub mo at gagamitin para matulungan ang Tinder na gawing personal ang karanasan mo at mas ma-i-connect ka sa iba. Maaari rin naming suriin ang Photo Insights para matulungan kaming pagbutihin ang feature. Buburahin sa loob ng 90 araw ang Photo Insights na hindi mo papanatilihin.
Paalala: Sa ilang mga lugar, ginagamit lang ang Photo Insights mo para magmungkahi ng mga photo, bio, at interest na idaragdag sa profile mo at pagkatapos ay agad na buburahin. Ibig sabihin ay hindi namin iniimbak ang Photo Insights mo at hindi ka makakakita ng Insights Hub sa app.
Photo Suggestions & Collages
Kung piliin mo na sumailalim sa pag-scan ng camera roll, nagsasagawa kami ng on-device scan para maunawaan kung anong klase ng mga photo ang karaniwang mayroon ka, gaya ng mga close-up, full-body shot, photo kasama ng grupo, o mga tema gaya ng paglalakbay o mga alagang hayop. Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng paggamit ng awtomatikong teknolohiya na sumusuri ng mga biswal na tema sa mga photo mo. Batay sa mga temang ito, sa Photo Insights mo, at sa nalalaman namin tungkol sa kung ano ang epektibo sa Tinder, may i-u-upload na piling koleksyon ng mga photo sa Tinder at magmumungkahi kami ng ilang photo na baka gusto mong idagdag sa profile mo. Ang layunin ay matulungan kang makapili ng malinaw at sari-saring mga photo na nagpapakita ng iba't-ibang mukha mo. Agad na binubura ang mga photo mo maliban kung nakadagdag ang mga ito sa profile mo. Hindi idinadagdag ang mga photo mo sa iyong profile maliban na lamang kung gusto mo ‑ ikaw ang nananatiling may kontrol.
Paano ginagamit ang biometric data sa Photo Suggestions?
Kung gusto mong magmungkahi kami ng mga photo na tampok ka, maaari kang bumuo ng biometric data para makahanap ng mga photo mo sa iyong device. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtukoy ng reference photo mo mula sa iyong camera roll, pagkuha ng selfie, o paggamit ng kasalukuyang solo na profile photo, kung mayroon ka nito (paalala: nag-iiba ang magagamit na opsyon depende sa lokasyon). Depende sa opsyong pipiliin mo, pinoproseso ang data mo sa mga sumusunod na paraan:
- Pagmumungkahi ng profile photo: Magmumungkahi kami ng angkop na profile photo para gamitin mo, kung mayroon ka. Gumagamit ang Tinder ng privacy-preserving tool para matukoy kung alin sa mga profile photo mo ang may balangkas ng mukha, nang hindi bumubuo ng kahit anong biometric data o nangongolekta ng mga detalye tungkol sa mga katangian ng mukha mo. Nangyayari ang buong prosesong ito sa iyong device.
- Pagkuha ng selfie: Maaaring magkaroon ng opsyon na kumuha ng selfie. Kung gagawin mo ito, gagamitin namin ang selfie mo para matukoy ang mga photo mo sa iyong camera roll, gaya ng inilarawan sa seksyong ito. Binubura ang selfie mo kapag pinili mong hindi na gamitin ang feature na ito.
- Pagbuo at paggamit ng biometric data mula sa selfie o profile photo mo: Binubuo ang biometric data gamit ang alinman sa photo na kinukumpirma mong ikaw o selfie mo, at pagkatapos ay inihahambing sa mga photo sa iyong camera roll. Ang Tinder ay hindi nangongolekta, nagiimbak, nag-a-access o tumatanggap ng anumang biometric data na nabuo mula sa iyong selfie, profile photo, o mga photo sa camera roll mo. Sa halip, nangyayari ang lahat ng ito sa device mo, at ang biometric data na ginamit bilang bahagi ng feature na ito ay buburahin sa device mo kapag pinili mong hindi na gamitin ang feature.
-
Pagtukoy ng reference photo: Sa ilang ugar, maaaring may opsyon kang pumili ng photo mo mula sa camera roll mo. Para gawin ito, kapag nag-opt in ka sa pag-scan ng camera roll, pagsasama-samahin ang mga magkakahawig na mukha sa mga photo sa camera roll mo, at hihilingin sa iyong kumpirmahin kung alin ang kumakatawan sa iyo. Nangyayari ang buong proseso sa device mo. Kapag kinumpirma mong ikaw ang nasa photo, ang face reference, na maaaring ituring na biometric data, ay ikukumpara sa mga photo sa camera roll mo para makatulong sa pagtukoy ng mga photo mo at naka-imbak nang lokal sa device mo para mas mabilis ang mga susunod na pag-scan sa hinaharap. Buburahin ang Face Reference mo kapag nag-log out ka sa Tinder, at puwede mo itong i-reset at burahin anumang oras sa pamamagitan ng:
- Tumungo sa Settings.
- Mag-scroll at hanapin ang Photo Suggestions.
- I-tap ang Nakaimbak na Face Reference at piliin ang I-reset ang Face Reference.
Opsyonal ang hakbang na ito, at hindi mo kailangang kumuha ng selfie. Kung pipiliin mong likdawan ang hakbang na ito, i-scan pa rin namin ang camera roll mo para lumikha ng Photo Insights, pero maaaring hindi ka kasama sa mga photo suggestion at collage mo.
Mga Limitasyon
Dinisenyo ang teknolohiyang ginamit para likhain ang Photo Insights, mga suggestion, at collage para maging kapaki-pakinabang at ibukod ang mga photo o insight na maaaring lumabag sa aming Terms of Use o Community Guidelines, pero hindi 100% tumpak ang teknolohiyang ito. Maaaring paminsan-minsan ay magmungkahi ito ng mga photo na hindi ayon sa iyong personal na pamantayan o maaaring magkamali sa interpretasyon sa tema ng iyong pamumuhay. Tandaan, bagama't ang tool na ito ay nilalayong makatulong sa iyo, ikaw pa rin ang responsable sa mga photo at impormasyon na pinili mong ilagay sa iyong profile; mangyaring siguraduhin na ayon ang mga ito sa aming Terms of Use, Community Guidelines, at mga lokal na batas.
Tandaan din:
- Kwalipikasyon: Kung wala kang sapat na mga photo, maaaring hindi magamit ang Photo Insights at photo suggestions. Kung pinili mong sumailalim sa pag-scan ng camera roll pero wala kang sapat na mga photo, pana-panahon naming susuriin ang camera roll mo para sa mga bagong photo upang matukoy kung may sapat kang mga photo para maging kwalipikado. Kung sine-set up mo ang profile mo habang nagsa-sign up at wala kang sapat na mga photo, puwede mo pa ring mano-manong buuin ang profile mo.
- Scanning Continuity: Kung maputol, ipagpapatuloy ang pag-scan sa susunod na pagbukas ng app hanggang sa makumpleto ito.
- Muling pag-scan: Kung pipiliin mong ulitin ang pag-scan ng iyong camera roll, ang lumang Photo Insights mo (kung inimbak) ay mapapalitan ng bagong insights mula sa pinakahuling scan.
Mga sensitibong paksa
Sa ilang pagkakataon, maaaring tumukoy ang Photo Insights at mga suggestion sa mga temang may kaugnayan sa kultura, relihiyon, pulitika, pamumuhay, o iba pang potensyal na sensitibong paksa base sa mga temang makikita mula sa mga photo mo. Maaaring hindi palaging saktong sumasalamin ang mga ito sa mga personal mong pananaw o pagkakakilanlan. Palagi kang magkakaroon ng oportunidad na burahin ang Photo Insights mo anumang oras sa Insights Hub (kung may pinapanatili kaming Photo Insights) o alisin ang anumang inirekomendang profile photo, bio, o interes na idinagdag mo anumang oras sa iyong i-Edit ang Profile settings.
Pag-opt out o pagbubura ng data
Ikaw ang may kontrol sa Photo Insights mo at ang mga makikita sa profile mo. Maaari mo ring piliin na hindi sumailalim sa pag-scan ng camera roll.
- Insights Hub: Puwede mong pangasiwaan at burahin ang iyong Photo Insights anumang oras sa Insights Hub. Para magbura ng insight, mag-swipe sa insight na gusto mong tanggalin. Paalala: Hindi magagamit ang Insights Hub sa mga lugar kung saan walang Photo Insights.
- Mga Mungkahing Photo & Collage: Tanging ang mga mungkahing photo at collage na pinili mo ang madadagdag sa profile mo. Puwede mong alisin anumang oras ang mga mungkahing photo sa iyong I-edit ang Profile settings, at ang mga collage sa Insights Hub mo.
- Camera Roll Permissions: Maaari mong i-adjust o tanggalin ang camera roll access anumang oras sa pamamagitan ng system settings ng device mo.
- Habang nagsa-sign up: Puwede mong likdawan nang buo ang pag-scan ng camera roll, o piliing hindi gumamit ng anumang iminungkahing photo, bio at mga paksa ng prompt, interest, o iba pang profile suggestion.
- Pagkatapos mag-sign up: Puwede mong alisin anumang oras ang mga mungkahing photo, interest, bio, o prompt sa iyong I-edit ang Profile settings.
Karagdagang tulong
Kung kailangan mo pa ng karagdagang tulong, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba pang detalye at ikinalulugod naming tumulong.
Bisitahin ang aming Privacy Policy upang mas malaman ang tungkol sa aming privacy practices at ang Iyong mga Karapatan. Maaari mo ring matutunan kung paano mag-request ng kopya ng iyong data.