Ang Double Date ay isang feature na available para sa mga user ng Android, iOS, at Web sa mga piling market. Sa pamamagitan ng Double Date, pwede kayong makipag-match at makipag-chat ng friend mo sa ibang pairs of friends.
Paggamit ng Double Date
Sa Double Date, pwede kang gumawa ng hanggang 3 pairs ng friends at mag-swipe sa ibang pairs of friends. Ipakikita sa'yo ang mga Double Date na ito sa Discovery gaya ng kung paano pinakikita ang individual profiles, ang kaibahan lamang ay makikita mo ang Double Date pair side-by-side.
Kapag nag-match kayo ng isa pang Double Date pair, magbubukas ang isang chat sa pagitan ninyong 4. Pwede kayong magkaroon ng group chat sa ka-match niyong Double Date pair. Pwede rin kayong mag-swipe right sa isang individual sa inyong matched pair at magbukas ng individual DM para magkaroon ng direct connection.
Pakitandaan: Dahil ang Double Date, ay kasalukuyang tine-test, ang premium features at subscription benefits (gaya ng Boosts at Super Likes) ay hindi compatible sa ngayon.
Paghahanap ng Double Date
Ang Double Date ay isang free feature na kasalukuyang tine-test sa mga piling market. Kung available ito sa lugar mo, sundin ang instructions sa ibaba. Applicable ito para sa lahat ng platforms:
- I-tap ang Double Date icon sa Discovery o Messages screen mo
- Mag-invite ng hanggang 3 friends to pair up with
- Simulan ang paggamit ng Swipe feature sa ibang Double Dates
Pagkakaroon ng Magandang Double Date Experience
Gusto naming magkaroon ng magandang experience ang lahat sa paggamit ng Double Date. Narito ang ilang bagay na dapat tandaan:
- Mahalaga na sa paggamit ng Tinder, ikaw at ang friend(s) mo sa Double Date ay parehong sumusunod sa aming Community Guidelines. Ang anumang paglabag sa aming policies ay maaaring magresulta sa pag-aksyon sa 1 o parehong accounts sa Double Date.
- Kung ikaw at ang friend mo ay nakaranas ng hindi magandang pag-uugali in-app o IRL, paki-report ito sa'min. Maaari mong tignan ang aming reporting resources dito.
- Ikaw at ang friend(s) mo ay dapat 18 taon pataas para gumamit ng Tinder.
- Sa pakikipag-chat bilang isang grupo in-app o IRL, palaging humingi ng consent o pahintulot mula sa Double Date friend mo bago pag-usapan ang anumang private details (kasama ang contact information).
- Kung gusto niyong pag-usapan ang sexual topics, siguraduhing may consent o pahintulot ng lahat sa grupo.
Pag-customize ng Double Date experience mo
Kung nasa Tinder ka para lamang maghanap ng Double Date para sa inyo ng friend mo, o kung hindi ka interesadong makakita ng Double Dates, you call the shots. May sariling Settings ang Double Date kung saan pwede mong i-customize ang iyong experience.
- Buksan ang Tinder at i-tap ang profile icon
.
- I-tap ang Settings icon
.
- Mag-scroll hanggang makita mo ang section na may label na "Double Date"
- Makikita mo rito ang options gaya ng pag-highlight ng Double Date profiles kaysa sa individual profiles sa Discovery, o pag-hide ng lahat ng Double Date profiles.