Nagiging hidden ang profiles kapag hindi kami naka-detect/maka-detect ng valid face photo sa profile mo. Ang pagiging hidden ay nangangahulugan na hindi makikita ng ibang tao ang profile mo sa Tinder, at hindi ka makagagamit ng piling features, gaya ng Likes, Super Likes, Boost, o Super Boost. Pwede mo pa ring i-access ang iyong Settings at makipag-chat sa existing Matches mo.
Bakit kailangan ko ng face photo?
Para ma-improve ang overall experience mo at ma-enhance ang kalidad ng profiles na nakikita mo sa Tinder, required ang users na mag-upload ng at least 1 face photo sa iba't ibang panig ng mundo. Kasalukuyang ipinaparating sa marami pang bansa ang requirement na ito, at kahit ito ay isang profile requirement, ang ilang exceptions ay maaaring isagawa.
Paano ako maglalagay ng face photo?
Para maiwasang maabala ang experience mo, kailangan mong maglagay ng face photo sa profile mo, Ang tatanggapin naming face photo ay dapat:
- Magpakita ng malinaw na itsura ng buong mukha mo: Ang well-lit at close-ups ay best. Iwasan ang anumang magtatakip o magpapalabo sa mukha mo, gaya ng mask, kamay mo, o ang phone mo.
- Sundin ang aming guidelines: Siguraduhing ang photo mo ay sinusunod ang aming Community Guidelines.
Paano malalaman ng Tinder na may face photo ako?
Gumagamit kami ng privacy-enhancing technology para ma-detect ang presensya ng isang mukha sa isang photo, nang hindi kumukuha ng specific details tungkol sa mukha mismo. Sa madaling salita, hindi kami gumagamit ng facial recognition data ("biometric data" para sa ibang lugar) para mahanap uniquely ang mukha mo o ma-identify ka uniquely. Nade-detect lamang ng aming tool ang presensya ng isang mukha.
Mayroon akong face photo, pero bakit naging hidden ang profile ko?
Nagiging hidden ang profiles kapag hindi ma-detect ng aming system ang face photo nang malinaw. Tignan kung ang mukha mo ay well-lit at malinaw na nakikita. Kung ang face photo mo ay pumasa sa aming requirements ngunit hidden pa rin ang profile mo, i-contact kami.
Kailangan din ba ang requirement na ito kapag nag-travel?
Kasalukuyang ipinaparating sa piling regions ang requirement na ito at mae-expand pa sa iba pang areas sa future. Tignan ito kung paano ka nito maaaring maapektuhan:
- Pag-travel mula sa bansang may face photo requirement papunta sa bansang walang requirement: Hindi required ang profile mo ng face photo kapag nag-travel ka at hindi rin ito maaapektuhan kung mayroon ka nang face photo.
- Pag-travel mula sa bansang walang face photo requirement papunta sa bansang may requirement: Kailangan mong maglagay ng face photo para patuloy na magamit ang profile mo kapag nag-travel ka sa isang bansang active ang requirement na ito.
Maaaring maiba temporarily ang profile mo base sa requirements ng bansang pupuntahan mo, at kapag nakabalik ka na, automatic din itong babalik sa dati.
Hindi ko gustong mag-upload ng face photo. Ano pa ang options ko?
Naiintindihan namin kung ayaw mong mag-upload ng photo ng iyong mukha. Magiging hidden ang profile mo mula sa iba at hindi ka makagagamit ng certain features, gaya ng Likes, Super Likes, Boost, o Super Boost. Tandaan, maaaring tumaas ang chances mong makipag-connect sa mga tao kapag malinaw ang photo mo. Gusto mo bang kontrolin kung sinong nakakakita sa'yo? I-edit ang Settings mo para makapag-block ng kahit sino o mag-Incognito ka.
Kung magbago ang isip mo, maaari kang mag-upload ng face photo anumang oras.
Dagdag pa, naiintindihan at nirerespeto namin na maaaring may concerns ka tungkol sa requirement na ito. Kung gusto mo pa ng karagdagang suporta at nais mo ring mag-share kung paano ka naaapektuhan ng requirement na ito, i-contact kami. Bukas ang aming loob na mag-consider ng exceptions para sa legitimate religious at safety reasons.