Paano ko maco-contact ang Data Protection Officer ng Tinder?
Pag-profile at automated na paggawa ng mga desisyon sa Tinder
May tanong pa 'ko tungkol sa data ko
Paano ko maco-contact ang Data Protection Officer ng Tinder?
Kung Tinder user ka na nasa European Economic Area, Switzerland, UK, o Canada, maaari kang makipag-ugnayan sa Data Protection Officer (“DPO”) ng Tinder online o sa pamamagitan ng koreo.
Online
1. Puntahan ang aming form para sa kahilingan kaugnay ng privacy
2. Sa ilalim ng "Ano ang nais mong malaman?", tapikin ang "Mayroon akong iba pang tanong tungkol sa data ko."
3. Sa patlang ng “Description”, ipaalam na gusto mong makipag-ugnayan sa “Data Protection Officer” o “DPO.”
4. Tapikin ang “Report”
Mangyaring siguraduhin na kasama ang email na nauugnay sa account mo. Puwede ka ring magsama ng mga attachment para matulungan kaming tumugon.
Sa pamamagitan ng Koreo
Puwede ka ring direktang makipag-ugnayan sa DPO ng Tinder sa pamamagitan ng koreo sa mga address na nakalista sa Seksyon 12 ng Privacy Policy ng Tinder.
Bakit humihingi ng consent ang Tinder sa pag-filter ng messages for safety purposes as a European Economic Area or UK user?
Kung ikaw ay isang user na nasa European Economic Area or the UK, ginagawa ito bilang pagsunod sa local law na related sa aming operation of important safety features.
Ang Tinder ay committed sa kaligtasan ng aming users at gumagamit ng automated technology para i-filter ang messages at video calls para sa malisyoso o ilegal na gawain na labag sa aming Terms of Use o Community Guidelines. Kapag na-detect o na-report ang ganitong klase ng activity sa aming platform, ire-review ng aming staff ang content, taking appropriate action kung kinakailangan, para mapanatiling safe ang Tinder community.
Ano ang Safe Message Filters?
Top priority namin ang iyong kaligtasan. The way we design, build and provide our services to you ay nakasentro dito, kasama ang features na ginagamit mo para makipag-interact sa iba dito sa Tinder gaya ng chat. Para mapanatili kang ligtas, gumagamit kami ng combination of automated tools at trained human agents para ma-review ang interactions na ito at makagawa ng appropriate action sa mga gumagawa ng ilegal o harmful behavior. Tingnan ang description sa ibaba para makita ang ilan sa actions na ginagawa namin para mapanatili kang ligtas:
- Para mahanap ang halimbawa ng ilegal o harmful behavior, gumagamit kami ng automated tools para ma-scan ang interactions na nangyayari sa Tinder at binibigyan ka rin namin at ang ibang users ng pagkakataon para i-report ang nasabing behavior sa'min.
- Kapag na-raise ang isang issue sa pamamagitan ng user report o sa aming automated tools, ire-review ng aming trained agents ang interactions between users as needed para ma-investigate ito at makapagdesisyon sa appropriate actions that should be taken, kasama ang pagtanggal ng content, pag-ban sa user, at ipagbigay-alam ito sa appropriate law enforcement resources.
- Bilang parte ng aming continuous efforts para ma-improve ang kaligtasan ng aming users, gumagamit kami ng interactions between users to evaluate, train, and improve our automated tools.
Pag-profile at automated na paggawa ng mga desisyon sa Tinder
Sa Tinder, top priority namin ang iyong privacy. Nasa gitna ito ng pag-design at paggawa namin ng products at services na iyong gusto at kilala, kaya tunay mo silang mapapagkatiwalaan at makakapag-focus ka sa pagbuo ng makabuluhang connections.
Bilang bahagi ng aming pangakong transparency sa paraan ng aming pag-process ng iyong information, ipapaliwanag namin dito kung ano ang pag-profile at automated na paggawa ng desisyon, kung bakit nasa gitna ito ng aming service (sa katunayan, ito marahil ang dahilan kung bakit gustung-gusto mong gamitin ang products namin!) at kung paano ka makikinabang dito.
Ano ang profiling at automated na paggawa ng desisyon?
Iba't ibang batas sa privacy sa US at sa buong mundo ang tumutugon sa automated na paggawa ng desisyon at profiling. Halimbawa, ibinibigay ng data protection framework ng Europe, ang General Data Protection Regulation ("GDPR"), ang mga sumusunod na kahulugan:
- Automated na paggawa ng desisyon sa isang indibidwal: paggawa ng desisyon sa isang indibidwal sa pamamagitan lang ng automated na paraan (gamit lang ang mga computer at algorithm, walang taong kasama sa proseso ng paggawa ng desisyon);
- Pag-profile: pagsusuri ng ilang bagay tungkol sa isang indibidwal, kasama na ang kanilang mga hilig, gusto, o ugali, sa pamamagitan ng automated na pag-proseso ng kanilang personal data (hal., gamit ang mga computer at algorithm para alamin ang mga interes ng isang tao ayon sa kayang pag-uugali online.
Umaasa ba ang Tinder sa automated na paggawa ng desisyon o pag-profile?
Ang automated decision-making at profiling ay invisible features na nasa core ng aming services, ay patuloy namin itong ini-improve to help you build meaningful connections. Ginagamit namin ang features na ito for the following reasons:
Para tulungan kang makipag-connect sa ibang users.
Ginagamit namin ang impormasyong direktang ibinibigay mo at ng iba pang member ng komunidad ng Tinder o sa pamamagitan ng paggamit mo sa service (kabilang ang, halimbawa, edad, kasarian, lokasyon, mga interes, at ang Likes at Nopes mo) para paganahin ang aming eksklusibong matching algorithm at magrekomenda ng mga tao na nababagay sa iyo. Ginagamit namin ang parehong proseso para irekomenda ka sa ibang mga user. Hindi naiimpluwensyahan ang aming algorithm ng mga salik panlipunan gaya ng lahi, etnisidad, suweldo, at relihiyon.
Syempre, pwede mong palitan ang iyong discovery settings anumang oras para mag-filter ng mga profile na ipinapakita sa iyo sa Tinder.
Tignan ang aming Powering Tinder® blogpost for more information on the method behind our matching system.
Para pakitaan ka ng ads at mga offer na maaari mong magustuhan.
Ginagamit namin ang information na tungkol sa iyo para pakitaan ka ng ads na kapaki-pakinabang at may kaugnayan sa iyo sa loob at labas ng aming service at sukatin kung gaano kabisa ang ads na ito. Ginagamit rin namin ang information tungkol sa iyo para padalhan ka ng mga offer at discount na nababagay sa iyong profile.
Para itaguyod ang kaligtasan at seguridad.
Ginagamit namin ang automated na paggawa ng desisyon at pag-profile bilang bahagi ng aming efforts sa pag-moderate ng service (halimbawa, sa pagtanggal ng mga bot), pati na rin sa pagtataguyod ng kaligtasan at seguridad ng aming users sa pamamagitan ng pagpapadali ng pagtanggal sa mga ilegal at ipinagbabawal na mga gawain na maaaring mangyari at para mas mabilis at epektibong makita at labanan ang mga gawaing ito kung mangyari man ang mga ito.
Ang pagpoproseso na ito ay maaaring mauwi sa pagkasuspinde o pagpapasara ng account ng users na ni-report o napag-alaman na nakibahagi sa ilegal o mga hindi awtorisadong gawain, parehong sa loob at labas ng aming services, na walang pagkiling sa iba pang legal na aksyon na maaari naming gawin.
May tanong pa 'ko tungkol sa data ko
Ang aming Privacy Policy at ang FAQ na ito ay maaaring makasagot sa iyong mga katanungan. Ito ang dalawa sa aming best resources for anything data-related, pero kung sakaling hindi pa rin masagot ang katanungan mo, please feel free to contact us.
Alamin pa
Tingnan ang aming Privacy Policy upang higit pang malaman ang tungkol sa kung paano namin pinoproseso ang personal na data (Seksyon 4 - "Paano Namin Ginagamit ang Data") at ang iyong mga karapatan (Seksyon 8 - "Iyong Mga Karapatan"). Kung isasara mo ang iyong account, papanatilihin ang iyong data para lamang sa mga limitadong layunin at pagkatapos ay buburahin, gaya ng nakasaad sa aming Privacy Policy (Seksyon 9 - "Gaano Katagal Namin Pinapanatili ang Iyong Data").