Ang kaligtasan mo ang palagi naming isinasaisip dito sa Tinder. Sa ilang mga bansa, may karagdagang patnubay na ipinatutupad sa services na para sa adults lamang. Para maiwasan ang pagkakaroon ng access ng mga underage, maaari kaming gumamit ng naaangkop na age assurance methods para mapigilan ang minors mula sa pag-access ng services na ito, alinsunod sa aming Terms of Use.
Proseso ng pagtukoy ng edad
Kung nakatira ka sa mga region na ito, kailangan mong mag-upload ng kahit isang malinaw na photo ng iyong mukha sa profile mo para makumpleto namin ang age check process. Nakakatulong ito sa amin na ma-confirm na nami-meet mo ang minimum age requirement para magamit ang Tinder, ayon sa nire-require ng batas at aming Terms of Use.
Gumagamit kami ng automated technology sa pag-analyze ng uploaded face photo(s) sa pag-estimate kung ikaw ay 18 pataas o hindi.
Pagkatapos ma-review ng photo mo:
- Kung natukoy naming 18 pataas ang edad mo, makakatuloy ka sa paggamit ng Tinder as usual.
- Kung matukoy naming 18 pababa ang edad mo, maba-ban ang account mo.
- Kung hindi namin matukoy ang edad mo, gagawa kami ng manual review o magre-request ng additional verification, gaya ng ID check.
- Kung ikaw ay isang bagong user na sumasailalim sa additional verification, hindi magiging visible sa ibang users ang profile mo at magiging limitado ang functionality nito hanggang makumpleto ang review.
Ang prosesong ito ay nagbibigay ng paraan upang matantya ang edad habang nililimitahan ang pagkolekta at paggamit ng personal na impormasyon sa kung anong mahigpit na kinakailangan. Ginagamit namin ang prosesong ito para ma-assess kung nami-meet mo ang age requirement ng Tinder, hindi para sa walang kinalamang layunin gaya ng advertising.
Ang mga resulta ng pagtukoy ng edad mo ay maaaring makatulong sa pagsasanay ng ilang partikular na machine learning models na sumusuporta sa aming trust and safety tools, pati na rin sa pag-test at pag-audit ng models at tools.
Pag-apela sa age assurance
Kung ang account mo ay naka-ban sa pagiging underage at naniniwala kang ito'y isang pagkakamali, maaari mong i-apela ang desisyon sa pamamagitan ng aming Appeals Center.
Kung isa kang residente ng Australia at gusto mo ng alternative sa pagsa-submit ng government-issued ID kapag nag-appeal sa age-related ban, kontakin kami para mag-request ng karagdagang pag-review sa iyong account ng isang moderator sa halip na ibigay ang ID mo.
Paano iniingatan ang data mo
Ang mga resulta mula sa age check mo ay itatago sa isang secure format sa loob ng 1 taon. Pinoproseso ang photo(s) at moderation records mo alinsunod sa Privacy Policy ng Tinder. Ibig sabihin nito ay pananatilihin ng Tinder ang photos mo hangga't active ang iyong account (kasama ang applicable na retention period pagkatapos ng pagsasara o pag-ban ng account), at ang photos ay patuloy na makikita sa profile mo hanggang sa palitan mo ito, at ang moderation records ay pananatilihin hangga't active ang account mo (kasama ang applicable retention period pagkatapos ng pagsasara o pag-ban ng account).
Ang data mo ay secure na nakatago sa Amazon Web Services (AWS). Ang technology na ginagamit para ma-estimate ang edad ay pagmamay-ari ng Match Group. Kung gusto mo pang malaman ang ibang detalye kung paano hina-handle ng AWS ang data, pwede kang mag-click dito.
Data practices ng Tinder
Pumunta sa aming Privacy Policy para matuto pa ng tungkol sa aming privacy practices, kasama na ang Your Rights section. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa automated decision-making sa Tinder, tingnan ang aming Privacy FAQ.
Mayroon pa akong mga katanungan
Contact us anytime.