Ang mga user sa Singapore na sa tingin nila'y masama silang naapektuhan ng content o conduct sa aming platform ay maaaring mag-submit ng formal Online Harm Notice sa ilalim ng Online Safety (Relief and Accountability) Act 2025 ng Singapore ("OSRA").
Kung ayaw mong magpadala ng formal legal notice, may iba ka ring options. Maaari mong i-report ang content nang direkta sa pamamagitan ng aming standard reporting tools sa app, sa aming contact form, o maaari mo ring i-report ang online harm sa Online Safety Commission (OSC). Susuriin ng OSC ang report at maaari kaming i-require, o ang taong involved, na itigil ang harmful behavior. Puntahan ang website ng OSC para sa karagdagang impormasyon.
Pag-send ng Online Harm Notice
Ang Online Harm Notice (“Notice”) ay kailangang i-submit sa website ng MinLaw. Para sa karagdagang impormasyon, puntahan ang website ng OSRRA ng MinLaw. Para maging valid ang iyong Notice, kailangan nitong matugunan ang form, content, at submission requirements na nasa guidance ng MinLaw. Kapag nai-submit na ito, makakatanggap ka ng PDF copy ng iyong Notice, kasama na ang unique serial number.
I-send ang nakumpletong PDF at ang serial number mo sa aming designated intake na singapore.notices@matchgroup.com.
Ang pag-submit ng Notice sa pamamagitan ng prosesong ito ay hindi garantisadong aalisin ang content o ang pagkakaroon ng anumang aksyon sa account. Sinusuri namin ang Notices batay sa aming policies, applicable na batas, impormasyong makukuha namin, at urgency at severity ng alleged harm.
Bago mag-submit ng Online Harm Notice
Tatanungin sa form kung saan matatagpuan ang ni-report na content (gaya ng mga URL, username, at mga link ng post), kaya ihanda ang mga impormasyong ito bago magsimula.
Isama ang lahat ng relevant na impormasyon.
Ang mga hindi kumpleto o hindi malinaw na notices ay maaaring magdulot ng delay sa aming pag-review.
Kapag kabilang na ang immediate physical danger, concerns sa kaligtasan ng bata, at iba pang urgent risks, makipag-ugnayan muna sa lokal na awtoridad o emergency services.
Ang pagbabahagi, pagtatago, o pag-access sa mga maselang images o child abuse material ay ilegal. Itago o ibahagi lamang ang content kung ire-report ito sa OSC, at hangga't kinakailangan lamang.
Sino ang maaaring mag-submit ng Online Harm Notice?
Ikaw ay dapat isang Singapore Citizen, Permanent Resident, o holder ng long-term pass sa Singapore para makapag-submit ng Online Harm Notice.
Generally, ang maaaring mag-submit ng Notices ay mga:
- Taong direktang apektado;
- Magulang o legal guardian;
- Isang awtorisadong representative na kumikilos sa ngalan ng apektadong tao; o
- Iba pang taong may legal na awtoridad na kumilos para sa apektadong tao.
Urgent Online Harm Notice
Markahan nang malinaw ang iyong Notice bilang "URGENT" kung may kinalaman ito sa:
- Mga banta ng karahasan o self-harm;
- Sexual exploitation sa isang menor de edad;
- Posibleng risk sa physical na kaligtasan;
- Ongoing na pag-stalk o planadong harassment na nagdudulot ng agarang panganib; o
- Mga maselang larawan na walang consent na patuloy na kumakalat.
Makakatulong ang pagsama ng maikling paliwanag tungkol sa kahalagahan ng agarang aksyon upang ma-prioritize namin ang pag-review nito.
Anong mangyayari pagkatapos mong mag-submit ng Online Harm Notice?
Acknowledgement
Magpapadala kami ng acknowledgement na kumukumpirma ng pagtanggap ng iyong Notice.
Review
Maaari naming:
- Suriin ang ni-report na content o conduct;
- Humingi ng karagdagang impormasyon;
- I-review ang kontekstuwal na impormasyon at mga naunang report;
- Magpatupad ng pansamantalang restrictions kung naaangkop; at/o
- Itaas ang usapin internally para sa specialized review.
Mga posibleng resulta
Depende sa sitwasyon, maaari naming:
- Alisin o i-restrict ang content;
- I-disable o limitahan ang accounts o features;
- I-decline ang pagsasagawa ng aksyon;
- Panatilihin ang impormasyon kung saan legal na kinakailangan o naaangkop;
- Ipaalam ang usapin sa mga kaugnay na awtoridad kung legal na kinakailangan; o
- Magsagawa ng iba pang mga hakbang na naaayon sa aming policies at sa naaangkop na batas.
Maaaring hindi namin laging maibahagi ang detalyadong resulta ng pagpapatupad dahil sa mga konsiderasyon sa privacy, kaligtasan, legal, o security.
Oras ng pagtugon
Layunin naming suriin ang Notices nang mabilis ayon sa kakayahan.
Maaaring mag-iba ang tagal ng pagtugon depende sa:
- Severity at urgency ng ini-report na pangyayari;
- Ang pagiging kumpleto ng impormasyong ibinigay;
- Kung kinakailangan ng karagdagang imbestigasyon; at
- Kabuuang dami ng mga report.
Maaaring unahin ang mga report na may kinalaman sa immediate safety risks.
Pagpapanatili ng ebidensya
Kung sa tingin mo'y maaaring umabot sa legal proceedings, regulatory proceedings, o law enforcement investigations, kailangan mong ingatan ang mga kopya ng relevant evidence sa legal at ligtas na paraan.
Kabilang sa mga halimbawa ang screenshots, URLs, timestamps, usernames, at mga palitan ng mensahe.
Mali, mapanlinlang, o abusadong Online Harm Notice
Ang pag-submit ng sinadyang mali, mapanloko, abusado, o may masamang layunin na Notices ay maaaring magresulta sa mga aksyon alinsunod sa aming policies, kabilang na ang pag-restrict sa reporting privileges o aksyon sa account. Ang mapanlinlang at/o malisyosong aksyon ay maaari ring i-report sa mga awtoridad.
Tandaan na maaari kang humarap sa legal consequences kung:
- Nagpadala ka ng Notice na walang kabuluhan o na alam mong mali; o
- Nagbigay ka ng false declaration na awtorisado kang mag-send ng Notice sa ngalan ng ibang tao.
Privacy at paggamit ng impormasyon
Maaaring gamitin ang mga impormasyong ibinigay sa prosesong ito upang:
- Suriin at imbestigahan ang reklamo;
- Magsagawa ng safety o enforcement measures;
- Sumunod sa mga legal na obligasyon;
- Tumugon sa lawful requests mula sa regulators o law enforcement authorities; at
- Protektahan ang users, ang aming services, o ang publiko.
Maaaring panatilihin ang impormasyon alinsunod sa naaangkop na batas at sa aming retention policies.
Iwasang mag-submit ng hindi kinakailangang sensitibong personal na impormasyon.