Committed ang Tinder sa paglikha ng mas ligtas na online environment para sa lahat ng user. Makikita sa ibaba ang impormasyon tungkol sa kung paano namin hina-handle ang harmful content, kung paano mag-report ng safety concern, at kung saan makakahanap ng mga karagdagang safety tool at support.
Ang eSafety Commissioner
Ang eSafety Commissioner ay isang independent na government agency na nagpo-promote ng online safety at nagpoprotekta sa mga Australian laban sa harmful content at online abuse. Nag-ooffer ang Commissioner ng iba’t ibang resources para matulungan ang mga tao na manatiling ligtas online. Kabilang dito ang:
- Mga educational program at guide para sa mga magulang, guro, at bata tungkol sa pagharap sa mga isyu gaya ng cyberbullying, online privacy, at gaming safety.
- Mga reporting tool na nagbibigay-daan sa mga tao na mag-report ng cyberbullying, image-based abuse, o illegal content para maalis ito sa internet.
- Mga tip at advice sa online safety kung paano i-manage ang digital footprint mo, i-secure ang mga account mo, at umiwas sa mga scam.
- Support services para sa mga nakakaranas ng online abuse, kabilang ang guidance kung paano humingi ng tulong at protektahan ang sarili mula sa higit pang kapahamakan.
Para ma-access ang resources na ito o mag-report ng harmful content, puntahan ang website ng eSafety Commissioner.
Mga reklamo
Sa ilalim ng Online Safety Act ng Australia, kailangang sumunod ang online servics sa ilang code at standards ng industriya. Kung nasa Australia ka at naniniwala kang hindi natugunan ng Tinder ang mga obligasyon nito, pwede kang maghain ng reklamo sa eSafety Commissioner.
Para sa pinakamabilis na resolusyon, hinihikayat ka naming kontakin muna kami.
Safety sa Tinder
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga policy ng Tinder, kung paano mag-report ng mga concern, at mga karagdagang tool para matulungan kang manatiling ligtas, tingnan ang mga sumusunod na resource: