Nahanap mo man ang ka-match mo o kailangan mo lamang ng break, narito ang kung paano i-cancel ang subscription mo at maiwasan ang anumang charges in the future.
iOS purchases
Kung ang order number mo ay nagsisimula sa MK, ibig sabihin nito ay nag-purchase ka sa Tinder app for iOS at china-charge ng Apple.
Para mag-cancel sa Apple device mo:
- Buksan ang Settings mo
- I-tap ang pangalan mo sa itaas
- I-tap ang Subscriptions
- Hanapin at piliin ang subscription na gusto mong i-cancel
- I-tap ang Cancel Subscription
Kung kailangan mo ng karagdagang tulong, mag-reach out sa Apple Support para sa iba pang impormasyon.
Pakitandaan: Ang Apple Pay at Web payment options ay inilalabas sa piling markets. Kung nag-subscribe ka gamit ang isa sa methods na ito, basahin ang instructions sa ilalim ng Tinder.com purchases.
Android purchases
Kung ang order number mo ay nagsisimula sa GPA, ibig sabihin nito ay nag-sign up ka sa Tinder app on Android at china-charge ng Google Play Store.
Para mag-cancel sa Android device mo:
- Buksan ang Google Play app
- I-tap ang profile icon mo sa top right
- Pumunta sa Payments & Subscriptions > Subscriptions
- Piliin ang subscription na gusto mong i-cancel
- I-tap ang Cancel subscription
Kung ikaw ay may karagdagang tanong, paki-contact ang Google Play Support para makakuha ng tulong.
Alternatively, kung ikaw ay nagbayad directly gamit ang isang credit card o PayPal sa pamamagitan ng Android app:
- Buksan ang Tinder app sa Android device mo
- I-tap ang profile icon
mo
Piliin ang Manage Payment Account - Hanapin ang subscription na gusto mong i-cancel
- I-tap ang Cancel Subscription
Kailangan mo ba ng karagdagang tulong? Mag-reach out sa credit card company mo o sa PayPal Support para makakuha ng karagdagang tulong.
Tinder.com purchases
Kung ang order number mo ay nagsisimula sa TNDR, ibig sabihin nito ay nag-purchase ka sa Tinder.com o sa Android app gamit ang isang credit card.
Para mag-cancel:
- Pumunta sa tinder.com at mag-log in
- I-tap ang profile icon
mo
- Piliin ang Manage Payment Account
- Hanapin ang subscription na gusto mong i-cancel
- I-tap ang Cancel Subscription
Nagkaroon ng technical issues? Contact us kasama ang mahalagang detalye, at tutulungan ka namin.
Mga Thirdy-Party na pag-purchase
Kung gumawa ka ng third-party purchase, ito ay nangyari sa labas ng Tinder app o tinder.com.
- Para mag-cancel: Maaari mong sundin ang isa sa mga set ng cancellation steps sa itaas.
-
Para mag-request ng refund: Kailangan mong i-contact ang merchant directly.
Mga karagdagang detalye tungkol sa pag-cancel ng subscriptions
- Ang pag-uninstall o pagbura ng app ay hindi magca-cancel ng subscription mo.
- Ang mga subscription ay maaari lang maugnay sa isang Tinder account.
- Kung ikaw ay nagpalit ng devices (gaya ng mula sa iOS to Android), kailangan mong i-cancel ang iyong subscription sa lumang device mo dahil hindi lumilipat ang subscriptions sa pagitan ng platforms.
- Ang subscriptions ay nagre-renew automatically hanggang sa ma-cancel ang mga ito.