Handa ka na bang dalhin sa next level ng Tinder experience mo? I-upgrade ang subscription mo sa Tinder Gold™ o Tinder Platinum™ para ma-unlock ang premium features. Kung ang hanap mo man ay extra Boosts, mas maraming Super Likes, o exclusive access sa Top Picks, meron kami niyan. Sa guide na ito, tutulungan ka namin gamit ang simple steps para ma-upgrade ang subscription mo and make the most of your Tinder journey.
I-upgrade ang subscription mo
- Buksan ang Tinder.
- I-tap ang profile icon.
- Pumunta sa Settings (app only).
- Piliin ang Get Tinder Gold™ o Get Tinder Platinum™.
Ang subscription mo ay dapat ma-update agad, at ma-unlock ang premium features na kasama sa bagong plan mo.
Note: Kapag ina-upgrade ang subscription mo, pwede mong baguhin ang type nito, pero hindi mo mababago ang duration. Kaya kung meron kang 6-month Tinder Plus® subscription, pwede kang magpalit to a 6-month Tinder Gold™ o 6-month Tinder Platinum™ subscription.
Billing details
May ilang mahalagang pagkakaiba sa billing base sa device mo:
Sa iOS
- Full payment upfront: Babayaran mo agad ang total cost ng bagong subscription mo.
- Refund for unused time: Dapat i-refund ng Apple ang unused time sa dating subscription mo.Maaari itong abutin ng ilang business days bago makita sa account mo.
- New renewal date: Ang subscription mo ay magsisimulang ma-renew sa araw na nag-upgrade ka.
Sa Android
Sa Android, ang billing details ay nakadepende kung paano ka nagbayad noong una kang nag-subscribe.
Nag-subscribe ka ba gamit ang Google Play?
- Prorated payment: Ikaw ay macha-charge sa difference ng dati at bago mong subscriptions, at naga-adjust ito sa anumang unused time ng dati mong subscription.
- Same renewal date: Ang date ng original subscription renewal mo ay hindi mababago.
Nag-subscribe ka ba gamit ang direct credit card na option?
- Full payment upfront: Babayaran mo agad ang total amount ng bagong subscription mo sa Google Play.
- Refund for unused time: Makakakuha ka ng refund para sa natirang oras sa dati mong subscription sa loob ng ilang araw. Ang refund na ito ay ise-send pabalik sa original payment method mo.
- New renewal date: Ang subscription mo ay magsisimulang ma-renew sa araw na nag-upgrade ka.
Sa tinder.com
- Full payment upfront: Babayaran mo agad ang total cost ng bagong subscription mo.
- Refund for unused time: Mag-expect ng refund sa kahit anong natirang oras sa dati mong subscription sa loob ng ilang business days.
- New renewal date: Ang subscription mo ay magsisimulang ma-renew sa araw na nag-upgrade ka.
Nawawalang option para mag-upgrade
Kung Android phone ang gamit mo at hindi makita ang option na mag-upgrade, ito ay baka dahil hindi na namin tinatanggap ang payment method na ginamit mo noong una kang nag-subscribe. In this case, pwede mong i-cancel ang subscription mo at hintaying matapos ito. Kapag expired na, pwede kang magsimula ng bagong subscription sa Tinder Gold™ o Tinder Platinum™.