Kapag ang app ay hindi agad nare-recognize ang iyong in-app purchases, maaari mong i-restore ang iyong purchase para mapanatili ang access sa subscriptions at iba pang premium features.
Ang pag-restore ng iyong purchase ay hindi magi-initiate ng bagong transaction; ire-reapply lamang nito ang anumang pre-existing purchases mo.
Anong uri ng mga binili ang aking maaaring kuhanin pabalik?
Ang subscriptions at non-consumable in-app purchases ay pwedeng i-restore anumang oras.
Ang SELECT membership at consumable in-app purchases ay hindi pwedeng i-restore. Ang consumables ay ang items na ginagamit nang isang beses, gaya ng Super Likes, Boosts, at Read Receipts.
Paano ko makukuha pabalik ang aking binili?
Kung ang iyong purchase ay associated sa iyong Apple ID o Google Play Store account:
1. I-open ang Tinder
2. I-tap ang profile icon
3. Pumunta sa Settings
4. Mag-scroll down at i-select ang Restore Purchases
Kung nag-purchase ka sa Tinder.com, PayPal o gamit ang credit card option sa Android:
1. I-open ang Tinder.com sa iyong browser
2. I-tap ang profile icon
3. Mag-scroll down sa Manage Account
4. I-enter ang Restore Token na kasama sa iyong confirmation email pagkatapos ng purchase (nagsisimula sa "RT")