Kung interesado kang i-downgrade ang iyong subscription sa Tinder Gold o Tinder Plus, sundin ang mga hakbang sa ibaba.
Sa iPhone
Kung nag-subscribe ka gamit ang iyong Apple ID, buksan ang Mga Setting ng iyong device > [pangalan mo] > iTunes & App Store > i-tap ang iyong Apple ID > Mga Subscription > Tinder.
Mangyayari ang mga binago sa iyong subscription kapag nag-expire na ang kasalukuyang subscription. Sisingilin ka sa bago mong rate sa oras na iyon. Para sa higit pang detalye tungkol sa proseso ng billing, mangyaring tingnan ang Suporta ng Apple.
Sa Android
Kung nag-subscribe ka gamit ang iyong Google Play Store account, hindi suportado ng Google Play ang pagda-downgrade ng mga subscription.
Kung mayroon kang kasalukuyang Tinder subscription, maaari mong kanselahin ang subscription, hintaying mag-expire ang subscription, at pagkatapos ay mag-subscribe ulit sa app.
Sa Tinder.com
Hindi namin suportado ang pagda-downgrade ng mga subscription. Kung mayroon kang kasalukuyang Tinder subscription, maaari mong kanselahin ang subscription, hintaying mag-expire ang subscription, at pagkatapos ay mag-subscribe ulit.