Gamit ang Group Hangouts, pwede kayong makipag-match at makipag-chat ng friends mo sa iba pang groups of friends. Depende sa ilang limitations, ang Group Hangouts ay available sa lahat ng platforms sa piling markets.
Tandaan: Maaari mang ipagpatuloy ang Group conversations sa Web, wala nang ibang Group functionalities ang available ngayon.
Paggamit ng Group Hangouts
Maaari kang gumawa ng Group kasama ang friends mo at mag-swipe sa iba pang groups of friends. Ang sinuman na nasa Tinder ay maaaring gumawa ng Group. Kapag ang Group mo ay may 3 members at isang dedicated activity at oras, pwede na kayong maghanap at mag-swipe sa iba pang groups of friends. Ang Group Hangouts ay maaaring maging tulad ng pago-organize ng isang group activity gaya ng mini-golf o karaoke, o something lowkey gaya ng night out.
Ang Groups na ito ay ipinapakita sa'yo sa Discovery gaya ng sa individual at Double Date profiles, at naiiba lamang sa pagpapakita ng multiple people mula sa Group.
Kapag nag-match kayo sa isa pang Group, magbubukas ang isang chat para sa buong group ng users. Maaari ka ring mag-swipe right sa isang individual sa group ninyo at magbukas ng individual DM para sa direct connection.
Tandaan: Dahil kasalukuyang tine-test ang Groups, ang premium features at subscription benefits (gaya ng Boosts at Super Likes) ay hindi compatible sa Groups ngayon. Habang patuloy naming tine-test ang Group Hangouts, maaari ka ring makaranas ng mga pagbabago sa invites, sa bilang ng Groups na maaari mong salihan, o sa iba pang features.
Paghahanap ng Group Hangouts
Ang Groups ay isang free feature na kasalukuyang tine-test sa piling markets. Kung available ito sa lugar mo, sundin ang instructions sa ibaba. Applicable ito para sa lahat ng platforms:
- I-tap ang pill button ng Group Hangouts sa Discovery screen.
- I-invite ang friends mo para bumuo ng Group.
- Simulan ang paggamit ng Swipe feature sa ibang Groups.
Pagkakaroon ng positibong Group Hangouts experience
Gusto naming magkaroon ng positibong experience ang lahat sa paggamit ng Groups. Narito ang ilang bagay na dapat tandaan:
- Mahalagang malaman na sa paggamit ng Tinder, ikaw at ang friends mo sa Group Hangouts ay dapat na may kaalaman at sumusunod sa aming Community Guidelines. Ang anumang violations sa aming policies ay maaaring magresulta sa pag-aksyon sa 1 o maraming accounts sa isang Group.
- Kung nakaranas ka o ang friend mo ng inappropriate behavior sa app o IRL, i-report ito sa amin. Maaari mong tingnan ang aming reporting resources dito.
- Ikaw at ang friends mo sa Group ay dapat at least 18 taong gulang para makagamit ng Tinder.
- Sa pakikipag-chat bilang isang Group sa app o IRL, palaging humingi ng consent mula sa Group members mo bago pag-usapan ang anumang private details (kasama ang contact information).
- Kung gusto niyong pag-usapan ang sexual topics, siguraduhing may consent ang lahat sa group.
Pag-customize ng Group Hangouts experience mo
Kung nasa Tinder ka para lamang maghanap ng Group para sa inyo ng friends mo, o kung hindi ka interesadong makakita ng Groups, ikaw ang may kontrol dito. May sariling Settings ang Group Hangouts kung saan pwede mong i-customize ang iyong experience.
- Buksan ang Tinder at i-tap ang profile icon
.
- I-tap ang Settings icon
.
- Mag-scroll hanggang makita mo ang section na may label na "Group Hangouts".
- Makikita mo rito ang options gaya ng pag-highlight ng Groups kaysa sa individual profiles sa Discovery, o pagtago sa lahat ng Groups.