Nauunawaan namin na ang mga plano ay maaaring magbago. Bagama't hindi nare-refund ang karamihan sa in-app purchases, may ilang eksepsyon. Kung kailangan mo ng tulong sa isang purchase na ginawa sa loob ng nakaraang 14 araw, narito kami para tumulong. Makikita mo ang impormasyong kailangan mo sa ibaba, depende sa kung saan mo ginawa ang purchase mo.
Mga request para sa refund sa TNDR o COSU
Kung nag-purchase o nag-subscribe ka gamit ang iyong credit/debit card, Paypal o Google CC, matutulungan ka namin sa refund request mo. Para mapabilis ang request mo, tandaan ang mga sumusunod:
- Makipag-ugnayan sa amin mula sa parehong email address na ginamit sa purchase.
- Isama ang order number mo sa iyong request (nagsisimula ito sa TNDR o COSU, depende sa kung subscription ito o consumable).
Mga request para sa refund sa Apple & Google
Kung isinagawa ang purchase sa pamamagitan ng Apple o Google, kailangan mong direktang makipag-ugnayan sa kanila para sa tulong sa refund o kanselasyon. Sinusuri ang mga refund batay sa pagpapasya ng isang platform at napapasailalim sa kanilang patakaran sa refund.
Narito kung paano ka makaka-request ng refund sa platform kung saan isinagawa ang purchase:
App Store ng Apple
Para sa mga purchase na direktang ginawa sa Apple, dapat mong malaman na inaasikaso ng Apple ang lahat ng mga refund at kanselasyon para sa mga subscription at consumable ng Tinder (tulad ng Boosts at Super Likes).
Para mag-request ng refund, pumunta sa Apple Support.
Play Store ng Google
Para sa mga purchase na direktang ginawa sa Google, dapat mong malaman na inaasikaso ng Google ang lahat ng refund at anselasyon para sa mga subscription at consumable ng Tinder (tulad ng Boosts at Super Likes).
Para mag-request ng refund, pumunta sa support page ng Google para sa sunod-sunod na panuto batay sa rehiyon mo.