Nagkakaproblema ako sa pag-redeem ng promo code o ibang third-party na pagbili.
Depende sa nakikita mong error message, may ilang posibleng dahilan kung bakit ka nagkakaproblema sa pag-redeem ng isang third-party na pagbili:
- Wala ka sa isang bansa na valid ang alok
- Maling promo code ang nailagay mo
- Na-redeem mo na ang code na ito O may ibang tao nang naka-redeem rito
- Meron ka ng active subscription
- Nakakaranas ang device mo ng mga isyu sa connectivity
- Hindi mo naaabot ang ibang mga limitasyon para sa promotion na ito (i.e. ang ibang codes ay hindi ma-redeem ng existing Tinder users)
Na-redeem ko ang aking binili, pero hindi kaagad nagiging aktibo sa aking account.
Kung matagumpay mong nakumpleto o na-redeem ang isang third-party na pagbili, ngunit hindi awtomatikong umepekto ang subscription sa account mo, ibig sabihin nito ay may nauna kang subscription na aktibo pa sa kasalukuyan.
Sa kasong ito, kailangan mong kanselahin ang iyong aktibong subscription at hintayin na mag-expire ito. Kapag expire na ito, ang third-party purchase mo ay awtomatikong eepekto sa iyong account.