Pag-update ng iyong Discovery Preferences
Ang Discovery ay parte ng Tinder kung saan mo makikita ang profiles ng ibang tao. Pwede mong i-adjust ang iyong search preferences at kontrolin kung sinong nakikita mo sa Discovery sa pamamagitan ng pag-edit sa Discovery Settings mo.
Para i-edit ang iyong Discovery Settings:
- Buksan ang Tinder
- I-tap ang profile icon
- Pumunta sa Settings
- Mag-scroll pababa sa Discovery
Mula rito, pwede mong i-update ang iyong Discovery Settings tulad ng sexual orientation, edad, at distance para i-customize kung sino ang nakikita mo sa Tinder.
Dealbreakers
Maaari kaming magpakita ng potential matches na labas sa distance at age preferences mo, lalo na kung naubos na ang recommendations sa ranges na inilagay mo. Ito bang preferences ay Dealbreakers para sa'yo? Makakakita ka ng toggles sa ilalim ng bawat slider sa Discovery Settings para makontrol mo kung magpapakita kami ng mga tao na lagpas sa ranges na inilagay mo.
Pag-turn Off ng Discovery
Kapag na-turn off mo ang Discovery, hindi maipapakita ang profile mo sa sinumang bago sa Tinder*, pero pwede mo pa ring makita at i-chat ang matches mo.
Para i-hide ang profile mo:
- Buksan ang Tinder
- I-tap ang profile icon
- Pumunta sa Settings
- Mag-scroll pababa sa Discovery
- Hanapin ang Show me on Tinder
- I-on o i-off ang toggle
Note: Ang mga ni-Like mo bago i-off ang Discovery ay maaari pa ring makita ang iyong profile at i-Like ka pabalik. Ibig sabihin nito'y maaari ka pa ring makakuha ng bagong matches kahit naka-off na ang Discovery mo.