Ang Astrology Mode ay isang mode na available sa Android at iOS users sa piling markets.
Ang Astrology Mode (base sa Western Astrology) ay gumagamit ng impormasyon gaya ng iyong star sign para maipakita sa'yo ang ibang users kung saan compatible ang inyong astrological signs. Gagamitin namin ang impormasyong ibibigay mo para matukoy ang iyong astrological placement (Moon, Rising, o Sun). Pagkatapos nito ay magpapakita kami ng users sa'yo (base sa Discovery settings mo), kasama ang lahat ng impormasyong nakalagay sa profile nila tungkol sa kanilang placement, at kung paano naging potentially compatible ang placements niyo.
Pag-access sa Astrology Mode
Kung ang Astrology Mode ay available sa'yo, makikita mo ang "Astrology" pill button sa iyong Discovery screen. Kung higit sa 1 mode ang available sa'yo, kailangan mong mag-swipe through sa modes para mahanap ang Astrology Mode.
- Buksan ang Tinder
- I-tap ang Discovery tab
- Hanapin ang "Astrology" pill button at i-tap ang enter Astrology Mode
Paggamit ng Astrology Mode
Kapag pumunta ka sa Astrology Mode for the first time, kailangan mong ilagay ang ilang impormasyon tungkol sa kapanganakan mo (lugar at oras ng kapanganakan) para matukoy ang iyong placement. Ang pagdagdag ng iba pang impormasyon ay makatutulong para mas maging accurate ang calculation. Kung piliin mong hindi maglagay ng ibang impormasyon (gaya ng oras ng kapanganakan), tandaan na maaari itong magkaroon ng epekto sa pagtukoy ng placement mo.
Ang petsa ng kapanganakan mo ay automatic na ilalagay base sa sign-up mo. Hindi mababago ang petsa ng kapanganakan mo pagkatapos ng sign-up, at ang iba pang impormasyon ay makikita rito.
Tandaan: Ang impormasyon ng kapanganakan mo ay private. Gagamitin ito para i-calculate ang signs mo at hindi ito ipakikita sa ibang users.
Kapag nakuha mo na ang iyong placement at natutunan kung anong ibig sabihin nito para sa'yo, makikita mo ang ilang impormasyon tungkol sa iyong compatibility sa ibang users sa Astrology Mode.