Ang Explore ay isang collection ng experiences na available sa Android at iOS users globally. Nagbibigay ang Explore ng opportunity sa users para Mag-Swipe at Mag-Match sa users na may katulad na interests o experiences.
Pag-access sa Explore
Maaari mong i-access ang Explore sa pamamagitan ng pagsunod sa instructions sa ibaba. Ito ay applicable sa parehong Android at iOS:
- Buksan ang Tinder app
- Sa navigation bar sa ibaba, i-tap ang Explore icon
- Mag-scroll at maghanap ng Explore experience na gusto mo!
Paggamit ng Explore
Kapag na-tap mo na ang Explore tab, makikita mo ang experiences at tiles na available sa'yo. Ang Explore ay may wide variety ng experiences mula sa passions (gaya ng food o music) hanggang sa unique features. Maaari ka ring makakita ng seasonal o event-based tiles.
Pakitandaan: Ang ibang tiles ay region o time specific at maaaring magbago ang mga ito.
Ang Pag-Swipe at Pag-Match ay gumagana sa Explore gaya ng kung paano ito gumagana sa Discovery, na ang users na ipinakikita rito ay nakaayon sa experience.