Ang Traveler Alert ay isang safety notification na lumalabas sa Tinder app kapag binuksan mo ito sa lugar kung saan naparurusahan ang pag-identify bilang LGBTQIA+. Ang alert na ito ay ginawa para protektahan ka kung ikaw ay nakatira o bumibisita sa mga lugar kung saan hindi sigurado ang safety mo dahil sa mga lokal na batas at societal views.
Traveler Alert notification habang nasa abroad
Kung ikaw ay kabilang sa LGBTQIA+ community at nag-travel sa isang bansang may safety risks, ang Tinder profile mo ay automatically hidden kapag binuksan mo ang app. Kapag nakita mo ang safety update na ito, magkakaroon ka ng dalawang options:
- 'Wag akong ipakita sa location na ito: Ang option na ito ay papanatilihing hidden ang profile mo mula sa mga bagong tao habang nasa lugar kang ito.
- Ipakita ako sa location na ito: Piliin ang option na ito kung gusto mong makita ang profile mo at ituloy ang paggamit ng Tinder as usual.
Traveler Alert notification habang naka-Passport™ Mode
Ang Traveler Alert ay hindi lamang para sa tuwing ikaw ay physically present sa isang bansa. Ang alert na ito ay nag-activate din kapag gamit mo ang Passport™ Mode ng Tinder para puntahan virtually ang mga lugar na maaaring nasa risk ang LGBTQIA+ community.
Note: Hindi katulad sa pag-travel physically sa isang hostile location, kapag gamit mo ang Passport™ Mode, ang profile discovery mo ay mananatiling naka-on maliban kung i-off mo ito.