Gamitin ang Friends in Common feature para malaman kung mayroon kang contacts in common sa ibang tao dito sa Tinder.
Note: Ang Friends in Common ay available sa piling markets para sa Android at iOS users.
Paano ito gumagana?
Pagkatapos mong mag-import ng contacts mo, kung may mutual connections ka man sa isa pang Tinder user at pinili rin niyang gamitin ang Friends in Common, makikita mo ang bilang ng connections na naka-display sa profile niya. Hindi mo makikita ang mga pangalan ng mutual connections — makikita mo lamang kung ilan sila.
Halimbawa:
- Kung si User A ay may Person B sa kanyang contact list,
- at si User C ay may Person B din sa kanyang contact list,
- At si Person B lamang ang contact na parehong mayroon sila User A at User C
- Then: Makikita nila User A at User C na mayroon silang 1 contact in common kapag nakita na nila ang isa't isa sa Tinder. Pero hindi nila makikita na ang contact ay si Person B.
Tandaan na maaaring maging ikaw si Person B sa scenario na ito. Kung maging mutual connection ka sa 2 Tinder users, pwede kang maisama sa mutual count pero hindi makikita ng users na ikaw ito.
Kung may mutual connections ka man na gusto mong iwasang makita o ayaw mong makita ka dito sa Tinder, pwede kang Mag-block ng Contacts bago gamitin ang feature na ito.
Paano ko makikita ang Friends in Common?
Kung may access ka sa Friends in Common, magsimula sa pamamagitan ng:
- Buksan ang Tinder app
- I-tap ang profile icon
- Pumunta sa Settings
- Mag-scroll para mahanap ang Friends in Common at i-tap ito para i-enable
- Pumili kung may gusto kang i-block sa contacts mo
- Kumpletuhin ang setup sa pamamagitan ng pag-import ng contact list mo
Pwede ko bang makita ang Friends in Common nang hindi ako naipakikita as a friend?
It doesn’t work that way — kung nasa contacts ka ng dalawang Tinder users at naka-enable sa kanila ang Friends in Common, pwede kang maisama sa mutual count. Tandaan, hindi nila makikita ang mga pangalan ng mutual contact.
Maaari ko bang ma-kontrol kung alin sa contacts ko ang mau-upload?
Kung mayroon kang contact na hindi mo gustong ilagay sa list ng Friends in Common, pwede mong i-block ang contact na ito bago mo simulang gamitin ang feature. Sundin ang steps sa "Paano ko makikita ang Friends in Common?" sa itaas para magsimula.
Anong mangyayari kung i-turn off ko ang Friends in Common?
Sa pag-turn off ng Friends in Common sa account Settings mo, hindi ka na makakakita ng mutual connections na naka-display sa profile ng iba, at mabubura ang anumang contacts na na-import mo. Pwede mong i-turn off ang Friends in Common feature sa settings ng Tinder anumang oras.
Paano ginagamit ng Tinder ang aking contact information?
Ang Friends in Common ay isang Tinder feature na nangangailangan ng paggamit ng contact list sa device mo. Kapag binigyan mo kami ng permiso na i-access ang contact list mo, kokolektahin namin ang phone number information mula sa iyong contacts at iingatan namin ito. Para sa imported contacts, titignan din namin kung ang contacts na ito ay users ng Tinder na pinili ring gumamit ng Friends in Common. Dito ay maaari na naming ma-display ang total number ng mutual connections mo at ng isa pang user na piniling gumamit ng Friends in Common. Kung ang imported contact mo ay hindi na-identify bilang isang Tinder user, ang impormasyon nila ay ima-manage gaya ng nakalagay sa baba sa "Mga impormasyon para sa contacts na hindi gumagamit ng Tinder."
Bilang isang Tinder user, maaaring nagbigay ka ng permiso sa Tinder noon na ma-access ang contact list mo, tulad ng paggamit sa aming Block Contacts feature. Kung may katanungan ka kung paano ginagamit ng Tinder ang personal data na ito, tignan ang aming Privacy Policy.
Information para sa contacts na hindi gumagamit ng Tinder:
Maaari naming iproseso ang phone number mo kahit hindi ka isang Tinder user kung naka-save ang number mo sa contact list ng isa sa existing users namin at pinili niya itong i-upload sa Tinder para sa Friends in Common.
Kapag ang isang Tinder user ay nag-upload ng number mo sa Tinder, ginagawa namin itong cryptographic hash na hindi namin kayang mabasa o ma-reverse. Hindi namin kinokolekta ang pangalang kaugnay ng number mula sa device ng user. Hindi namin ginagamit ang pinanatiling hash sa iba pang purpose bukod sa pagdi-display ng number na iyon sa bilang ng mutuals bilang parte ng Friends in Common.
Kung non-user ka at hindi mo gustong magamit ang phone number mo ng kahit sinong Tinder user bilang parte ng Friends in Common feature, maaari mo kaming i-contact para mailagay ang number mo sa block list namin.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa kung paano namin pinoproseso ang non-user data, bisitahin ang article na ito.