Isang paraan para mahanap ang mga taong nakasalamuha mo sa totoong buhay kamakailan lang ang Missed Connections. Available ang Missed Connections para sa mga Android at iOS user sa mga piling lugar.
Pag-access sa Missed Connections
Tuwing Linggo, makakatanggap ka ng Drop ng mga user na maaaring nakasalamuha mo ngayong lumipas na linggo. Mahahanap mo ang Drops na ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga panuto sa ibaba:
- Buksan ang Tinder.
- I-tap ang icon ng Explore sa toolbar.
- Sa itaas ng iyong Explore screen, makikita mo ang Missed Connections Drop.
Matatagpuan ang karagdagang impormasyon tungkol sa pag-opt out sa Missed Connections sa ilalim ng “Paano ginagamit ng Missed Connections ang data ng location mo” sa ibaba.
Paggamit ng Missed Connections
Tuwing Linggo bandang 8pm ng lokal na oras, makakatanggap ka ng Drop ng mga user na maaaring nakasalamuha mo ngayong lumipas na linggo at posibleng makasundo mo batay sa iyong mga pamantayan. Maaari ring lumabas ang profile mo sa Drops ng ibang mga user. Binubuo ang Drops na ito gamit ang data ng location ng device mula sa iyo at iba pang mga user, na nangangahulugang ang mga user na ipinapakita sa iyo ay mga user na maaaring nakasama mo nang malapitan bandang parehong oras ngayong lumipas na linggo.
Paano ginagamit ng Missed Connections ang data ng location mo
Gumagamit ng data ng location mula sa device mo ang Missed Connections para matukoy kung kanino ka nalapit bandang parehong oras sa lumipas na linggo at makabuo ng Drop mo. Ginagamit namin ang location ng device mo para matukoy kung kailan ka nalapit sa isa pang Tinder user bandang parehong oras ngayong lumipas na linggo - maaaring irekomenda ang mga user na ito sa lingguhang Drop mo. Hindi rin ipapakita sa Drops ang araw at oras na nagkasalamuha kayo. Nais naming maging parang pinagpalang pagkakataon ang Missed Connections Drops, hindi para magbunyag ng mga nakasanayan, address, o iskedyul.
Gaya ng mga recommendation na karaniwan mong nakikita sa Tinder, kinakailangan ng Missed Connections ang pag-enable ng mga permiso sa pagbabahagi ng data ng location ng device sa Tinder para makabuo kami ng Drops mo. Puwede mong tingnan o baguhin ang mga permisong ito, o tuluyang mag-opt out sa Missed Connections, gaya ng inilalarawan sa ibaba.
Location settings ng device
Puwede mong tingnan at baguhin ang mga permiso ng pagbabahagi ng data ng location mo sa Tinder anumang oras sa pamamagitan ng paghahanap ng "Tinder" sa settings ng device mo.
- Gaya ng mga recommendation na karaniwan mong nakikita sa Tinder, kinakailangan ng Missed Connections ang access sa location na "Habang Ginagamit ang App".
- Puwede mo ring piliing i-enable na "Palagi" ang access ng location para makakuha ng mas makabuluhang Drops, pero hindi ito kinakailangan para gumana ang Missed Connections.
- Kung pipiliin mong i-disable ang lahat ng pagbabahagi ng location, hindi kami makakapagpakita sa iyo ng mga recommendation o Missed Connections Drops.
Settings ng Missed Connections
Puwede kang mag-opt out sa Missed Connections anumang oras. Nangangahulugan ang pag-opt na hindi ka kwalipikado na makatanggap o maipakita sa lingguhang Drops, pero hindi nito maaapektuhan ang karaniwang karanasan mo sa recommendations. Para mag-opt out, sundan ang mga panuto sa ibaba:
- Buksan ang Tinder.
- Buksan ang Profile tab, at i-tap ang icon ng Settings.
- Mag-scroll hanggang sa makita mo ang Missed Connections Settings.
- I-off ang “Isama ako sa Missed Connections Drop”.
Privacy at Safety sa Missed Connections
Binuo ang Missed Connections sa parehong pundasyon ng Trust & Safety gaya ng ibang bahagi ng Tinder. Sa ibaba, makikita mo ang ilan sa mga hakbang para sa safety na ipinapatupad namin para sa Missed Connections:
- Hindi lalabas sa Drop mo ang mga taong binlock o in-unmatch mo, at mga taong nam-block sa iyo, gayundin sila sa iyo. Ang parehong patakaran ay ipinapatupad din sa sinumang tinanggal na sa Tinder.
- Nililimitahan namin kung gaano kadalas puwedeng lumabas ang isang user sa Drops mo at vice versa, kahit pa madalas kayong magkasalubong. Ginawa ang Drops para sa pinagpalang pagkakataon, hindi para magbunyag ng mga nakagawian ng iyong mga katrabaho, kaklase, kapitbahay, o sinumang madalas mong makasalamuha.
- Ang pagre-report at pamba-block ay gumagana sa parehong paraan tulad ng sa buong Tinder. Buksan ang anumang profile sa Drop mo, i-tap ang ellipsis (tatlong tuldok), at piliin ang I-block o I-report.
- Hindi kailanman ipinapakita ng Drops ang eksaktong location mo o ng ibang mga user o kung nasaan ka sa kasalukuyan. Walang real-time na notification, walang message na "nakita ka sa", at walang paraan para gamitin ang Drop para mag-message sa isang tao sa labas ng nakagawiang Like-and-match na flow.
Kung sa anumang pagkakataon ay makaramdam ka na hindi ka ligtas, bisitahin ang aming Safety Center para sa mga resource at gabay.