Ang Search ay isang feature na tine-test pa na tumutulong sa users na hanapin ang type nila in new ways! Available ang Search para sa iOS users sa piling markets.
Pag-access sa Search
Kung available sa'yo ang Search, mahahanap mo ito sa pamamagitan ng pagsunod sa instructions sa ibaba:
- Buksan ang Tinder
- I-tap ang Discovery tab.
- I-tap ang magnifying glass icon sa top left corner ng screen mo.
- Search away!
Paggamit ng Search
Hinahayaan ka ng Search na maghanap ng mga particular terms para matulungan kang mahanap ang type mo. Handa ka na bang makipag-connect? Hanapin kung anong trip mo! Puwedeng gamitin ang Search para makahanap ng users na may similar o shared interests, gaya ng music lovers, pet parents, globetrotters, at marami pang iba. Kung ito man ay iba't ibang sports, fans ng particular activities, artists o musicians, at (halos) lahat ng nasa gitna, makatutulong ang Search para mahanap mo ang type mo!
Hindi ginawa ang Search para maghanap ng isang partikular na tao. Hindi kami nagpapakita ng mga resulta para sa searches gamit ang pangalan, edad, social handles ng isang tao, o searches na sinusubukang humanap ng mga tao batay sa mga bagay tulad ng lahi, nasyonalidad, o relihiyon*. Hindi sinusuportahan ang searches na may kasamang explicit terms o tumutukoy sa illegal activities.
*Tandaan: Mayroon kaming iba pang features at Discovery settings, tulad ng filters at preferences para matulungan kang makahanap ng users na may partikular na edad, relihiyon, at iba pa.
Paano Gumagana ang Search
Gumagamit ang Search ng impormasyong ibinahagi mo sa iyong profile, tulad ng photos mo, mga detalye sa bio mo, at iba pang elements ng profile mo para maibigay ang best match sa hinahanap mo. Ang primary focus nito ay sa interests, lifestyle, at vibes ng user – at hindi sa kanilang pisikal na katangian.
Para mapanatiling ligtas at inclusive ang ating komunidad, sumusunod ang Search sa ilang mahahalagang prinsipyo:
Ang search ay naka-optimize para makahanap ng matches ayon sa interests at lifestyle. Kahit maaari kang maghanap gamit ang keywords na may kinalaman sa mga gusto mong gawin, hindi ginawa ang aming search engine para magbalik ng anumang matches ayon sa mga sensitibong personal na katangian gaya ng lahi, relihiyon, body type, o political affiliation. Naniniwala kaming nagkakaroon ng best connections kapag ang focus mo ay sa tao, at hindi sa checklist ng mga physical traits.
Para mapanatili ang respectful environment, hindi sinusuportahan ng Search ang pagbabalik ng mga resulta para sa mga sensitibong katangian o anumang hindi pinapayagan dito sa Tinder. Kabilang dito ang mga bagay gaya ng:
- Ilegal na Content: Mga keyword na may kaugnayan sa komersyal na sex, pamamahagi ng droga, o human trafficking.
- Harmful content: Mga keyword na may kinalaman sa hate speech, karahasan, o sekswal na explicit material.
- Safety Terms: Searches na may kaugnayan sa pananakit sa sarili o sa pagsasamantala sa mga menor de edad.
- Fixed Traits: Lahi, relihiyon, uri ng pangangatawan, political affiliation, height, kulay ng mata, kulay ng buhok.
Kung hindi sinusuportahan ang isang search term, makakakita ka ng abiso na hindi pinapayagan ang paghahanap na bagay na iyon.
Para maprotektahan ang privacy ng aming users at maiwasan ang pambabastos sa labas ng platform, hindi pwedeng gamitin ang Search para hanapin ang mga partikular na tao gamit ang pangalan o social media handles nila.
Privacy & Safety
Kasama ang lahat ng elements ng Tinder experience, mahalaga ang privacy at safety ng aming users. Hindi ginawa ang Search para suportahan ang anumang mga paghahanap na lumalabag sa aming Community Guidelines. Bagama’t maaaring lumabas ang profile mo sa search results ng ibang user, hindi nila pwedeng gamitin ang Search para hanapin ka sa pamamagitan ng pangalan o social media handle mo. Bukod dito, hindi ka makikita ng users na na-block mo sa kanilang search results, at hindi mo rin sila makikita.