Bakit mahalaga ang pronouns?
Ang pronouns ay isang paraan para makapagdagdag ng lalim at lawak ang users sa kanilang profile. Gaya ng pangalan, ang pronouns ay isang mahalagang parte ng pagkatao at ito'y isang paraan para ipaalam sa iba kung paano sila dapat kilalanin. . Nais naming iparamdam sa aming users ang aming suporta sa kanilang paghahayag ng lahat ng aspeto ng kanilang pagkatao, kasama ang pronouns.
Paano ako makakapaglagay ng pronouns sa aking Tinder profile?
Sa iyong Tinder app, pumunta sa Edit Profile na nasa Profile Home. Pwedeng i-edit ng users ang kanilang profile sa pamamagitan ng pagdadagdag ng pronouns mula sa Pronouns section.
Saan nakalagay ang pronouns sa Tinder Profile ko?
Kapag ang pronouns ay nailagay na sa profile ng isang user, pwedeng matingnan ng users ang kanilang selections sa Edit Profile screen. Makikita mo rin ang pronouns ng ibang users (kung inilagay nila ito) na naka-display sa ilalim ng kanilang pangalan. Isa pang paraan para makita ang pronouns ay sa pamamagitan ng pag-tap sa i icon na magbubukas ng detailed profile view kasama ang pronouns na naka-display sa ilalim ng pangalan ng user.
Note: Ang feature na ito ay available lang sa piling test markets sa ngayon.
Gaano karaming pronouns ang pwede kong ilagay sa aking profile?
Pwedeng pumili ang aming users nang hanggang apat na pronouns.
Ex: he/him/they/them o she/her
Pwede ba akong pumili ng pronouns mula sa iba't ibang sets?
Alam namin na ang paggamit ng pronoun ay maaaring mag-iba depende sa aming users at kung sinong kasama nila. Ang users ay maaaring pumili ng multiple pronouns mula sa iba't ibang sets dahil gusto naming ma-express ng users ang kanilang mga sarili authentically sa lahat ng sitwasyon.
Required ba akong maglagay ng pronouns?
Ang paglalagay ng pronouns ay optional.
Paano nagdesisyon ang Tinder sa specific pronouns na ito?
Nakikipagtulungan ang Tinder sa aming inclusivity advocacy partners para matukoy kung aling pronouns ang available sa app habang unti-unti naming sinisimulan ang feature na ito. Pero makatutulong din ang iyong feedback para mag-improve kami. Naniniwala kami na ang self-expression ay unique sa bawat isa at patuloy na nage-evolve sa paglipas ng panahon.
Ipaalam sa amin kung anong pronouns ang gusto mong ilagay.