Paano ako magiging Photo Verified?
Bakit rejected ang aking Photo Verification submission?
Kapag Photo Verified na ako, kailangan ko bang sumailalim ulit sa Photo Verification?
Ano ang Photo Verification?
Ang Photo Verification ay nagbibigay ng opportunity sa'yo na maipakita sa potential matches mo na ikaw talaga ang nasa photos mo. Para ma-Photo Verified, mag-submit ng isang maikling video selfie na ikukumpara sa profile photos mo gamit ang facial recognition technology.
Ang features gaya ng Photo Verification ay nakatutulong makagawa ng more informed decisions sa Tinder, kaya nagpapasalamat kami sa suporta mo para mapanatiling safe space ang Tinder to meet new people! Isang paalala lang din na habang ang blue check mark ay isang signal ang tao ay totoong kapareho ng nasa photos na inilagay niya sa Tinder, hindi nito garantisado ang authencity ng impormasyong ibinigay ng isang Tinder user, at hindi rin ito dapat gamitin bilang pamalit sa best judgment mo (at sa tingin namin ay mas maganda kung susundin mo ang aming recommended Dating Safety Tips, kasama ang paggawa ng sarili mong research sa isang potential match para makumpirma kung siya ba talaga ito).
Paano ako magiging Photo Verified?
Para maging Photo Verified, kailangan mong gawin ang sumusunod na actions at magbigay ng required na maikling selfie video:
- Buksan ang Tinder at i-tap ang profile icon
- I-tap ang gray checkmark sa pangalan mo
- 'Pag nakita mo ang "Get Verified", piliin ang Continue
- Kung hindi mo pa ito nagagawa, bigyan ng access ang Tinder sa camera mo
- Itapat ang iyong mukha sa oval at i-tap ang I'm Ready
- Sundan ang prompts sa screen para makapag-submit ng maikling video selfie
Ilang minuto lamang ang kailangan para maproseso ang iyong Photo Verification request. Kapag approved na, ipapaalam namin ito sa'yo at ilalagay namin ang Photo Verified checkmark sa profile mo.
Bakit rejected ang aking Photo Verification submission?
Ito ang ilan sa mga dahilan para dito:
- Hindi nakalagay ang mukha nang maayos sa frame na ibinigay
- Nahaharangan o nakatago ang mukha
- May kakulangan sa neutral na facial expression
- Hindi maliwanag o malinaw ang video
- Ang taong nasa video ay hindi match sa taong nasa Tinder profile photo(s)
Kapag Photo Verified na ako, kailangan ko bang sumailalim ulit sa Photo Verification?
Maaari kang i-require na gawin ulit ang prosesong ito kung nagbura ka ng isa o higit pang profile photos mo. Ang mas maraming Photo Verified photos ay isang paraan para maiwasang mawala ang iyong Photo Verification status kung magtanggal ka man ng isa o higit pang profile photos. Ang bagong photos na iu-upload mo pagkatapos mong maging Photo Verified ay sasailalim sa continued Photo Verification at maaaring maapektuhan ang Photo Verification status mo.
Kailangan mo ba ng karagdagang tulong?
Kung kailangan mo pa ng karagdagang tulong sa Photo Verification, i-contact kami.