Ang Interests feature (kilala rin sa tawag na Passions sa ibang locations) ay ina-allow kang pumili ng iyong favorite pastimes at i-share ang mga ito sa iyong profile. Ang Interests ay isang magandang paraan para makipag-connect sa potential matches at simulan ang conversation.
Paano ako makakapag-add ng Interests sa aking profile?
- Buksan ang Tinder app at i-tap ang profile icon
- I-tap ang pencil icon sa iyong profile photo
- Mag-scroll down at i-select ang "Interests"
- I-select ang Interests para i-add ito sa iyong profile (Pwede kang pumili ng hanggang 5 na Interests, pero kailangan ang minimum ay 3)
- I-tap ang Done para ma-save ang changes
Paano ko mae-edit ang isa sa aking Interests?
- Sundin ang steps 1 - 3 sa itaas
- I-tap ang highlighted na Interests para matanggal ito sa iyong profile at i-tap ang grey na Interests para i-add ito sa iyong profile
- I-tap ang Done para ma-save ang changes
Paano ko matatanggal ang lahat ng Interests sa aking profile?
- Sundin ang steps 1 - 3 sa itaas
- I-tap ang lahat ng highlighted Interests para ma-deselect ang mga ito
- I-tap ang Done
- I-confirm na gusto mo talagang tanggalin ang lahat ng Interests mula sa iyong profile
Paano ko babaguhin ang pagkakasunod-sunod ng aking Interests sa profile ko?
Ang iyong Interests ay naka-display sa pagkakasunod-sunod nang pinili mo ang mga ito sa iyong profile settings. Para mabago ang pagkakasunod-sunod:
- Sundin ang steps 1 - 3 sa itaas
- I-deselect ang lahat ng iyong Interests
- I-reselect ang iyong Interests sa order na gusto mong naka-display ito.
Ang unang Interest na pipiliin mo ang magiging pinakaunang Interest na makikita sa iyong profile.
Pwede ko bang i-preview ang itsura ng Interests sa aking profile?
- Buksan ang Tinder app at i-tap ang profile icon
- I-tap ang pencil icon sa iyong profile photo
- I-select ang Preview na tab
Bakit ako nakikita ng Interests sa profile ng iba na hindi pwedeng i-add sa aking profile?
Ang Interests ay iba-iba depende sa iyong location, kaya maaari kang makakita ng profiles na may Interests na hindi pwedeng i-add sa iyong profile.