Sa ilang market, nagte-test kami ng ibang version ng feature na ito na nagbibigay ng mga suggestion para sa profile photo sa tulong ng Vision framework ng Apple. Ipinapaliwanag ng article na ito kung paano gumagana ang experience na iyon.
Tandaan: Kung Photo Selector ang nakikita mo sa halip, basahin ang article na ito.
Paano ito gumagana
Ang feature na ito ay tutulong sa 'yo na makahanap ng photos sa camera roll mo na baka pwedeng gawing profile photo, ayon sa mga bagay tulad ng photo quality at kung ang isang photo ay solo o team photo. Para subukang maghanap ng mga photo na kasama ka, lumilikha ito ng biometric feature prints, mga numerical representation ng mga mukha sa kasalukuyang photos mo sa Tinder profile at photos sa camera roll mo, sa tulong ng Vision framework ng Apple. Pinagkukumpara ng Tinder ang mga feature print na ito sa device mo para maghanap ng mga photo na mukhang ikaw ang ipinapakita. Ikaw ang pipili kung aling mga photo, kung meron man, ang idadagdag sa profile mo.
Paano ginagamit ang data ko
Nangyayari ang analysis na ito sa device mo. Ang mga feature print ay ginagawa at ginagamit lang pansamantala sa memory ng device mo, hindi kailanman ipinapadala sa Tinder, hindi sine-save, at inaalis kapag lumabas ka sa feature.
Ang mga photo lang na natatanggap ng Tinder ay ang mga pinipili mong idagdag sa profile mo. Tulad ng sa Photo Selector, responsable ka sa mga photo na pinipili mong i-upload.
Pag-opt out
Optional ang feature na ito, at pwede mong piliin na ikaw mismo ang pumili ng mga photo mo. Pwede mong bawiin o limitahan ang access ng Tinder sa camera roll mo anumang oras sa device settings mo.
Iba pang photo features
Sa ilang market, nag-ooffer din ang Tinder ng optional na pag-scan sa camera roll na nagsa-suggest ng mga photo at topic na pwede mong idagdag sa profile mo. Tingnan ang Photo-Based Suggestions para malaman ang iba pa.